Chapter 148

1.2K 88 4
                                    

Mike's POV

Bumaba na ako sa sasakyan ko sabay ayos ng coat ko pang opisina. I'm the Ceo of Nakamura's Company by the way. May dala akong kumpol ng bulaklak at kandila para sa puntod ni Krist

Dadalawin ko sya ngayon. Actually I always visit her everyday, ganon din si Alex of course na mukhang nagbago magmula ng iniwan kami ni Krist.

Di ko rin sya masisisi na nagbago sya kase ganon din ang naramdaman kong sakit ng makita at malaman na, wala na nga sya. Parang kailan lang nung ibully namin sya, nagkapatawaran at nagkasundo, nagkagustuhan pa nga, hanggang sa umabot sa nagka agawan at makipag kumpetensyahan. Si Alex ang nagwagi sa huli pero sinayang niya rin ito sa huli. Hindi ko na lang sana pinakawalan, sana buhay pa sya ngayon.

Si Dave naman ay isang English teacher ngayon sa SBWA, may kaonti ring pagbabago sa kanya na mas lalong naging tahimik na tao, bilang na lang din kung magsalita sya sa tuwing tatanungin lang namin sya

Si Ranz naman ay nadagdagan ang pagkababaero na lumala pa ito dahil may mga bisyo din sya na naninigarilyo at halos palaging lasing sa tuwing masasalubong ko sya kapag dadalawin nya rin si Krist sa puntod nito. Isa naman syang Model. Kahit naging ganon si Ranz ay maraming gustong kumuha sa kanya bilang modelo

Marami ang nagbago. Halos lahat yata sa paligid ko ay nagbago. Parang si Krist lang ang may kakayahang ibalik ang dati naming siglang magbabarkada. Naging successful nga kaming lahat pero parang may kulang parin.

Huminga ako ng malalim na huminto muna sa paglalakad ng tanaw ko na ang gate papunta sa puntod ni Krist kahit walang laman ang kabaong ay inilibing parin iyon. Ang puntod ni Krist ang may pinaka en grandeng disenyo dito. May gwardya pa ngang nakabantay. Ganon sya ka especial samin

"Goodmorning Sir Mike" bati sakin ng gwardya, tinanguan ko lang ito bago tuluyang makapasok

Nang makapasok na ako at nasa harapan ko na ang puntod niya ay inilapag ko doon ang mga bulaklak na bitbit ko bago nagtirik ng kandila

"Good morning abno" napangiti ako na bahagyang natawa pero may kasamang lungkot akong naramdaman ng tawagin ko sya sa tawag ko noon sa kanya

"Kumusta ka na dyan sa langit?" pagkasabi ko nun ay umangat ang tingin ko sa naggagandahang kulay asul na kalangitan, kasabay nun ang pagdaan ng samyo ng hangin, nakapamulsa lang ako

"Krist.... I miss you.... I miss you so much.... Kaya siguro ang hirap mag move on dahil..... Nag-iisa ka lang sa mundong ito..... Wala kang katulad"

"Ikaw lang ang nakilala kong babae na parang lalaki kumilos at magsalita..... Kahit saan tignan astigin parin ang datingan.... Ikaw lang ang babae na kahit ilang beses mong saktan.... Buong puso ka paring patatawarin..... You're beautiful inside and out..... Kaya siguro ikaw rin ang babaeng..... nagpatibok ng puso ko..... nagpatibok ng puso namin.... "

"Kung sanang ako ang pinili mo sa aming anim.... Buong puso rin kitang mamahalin.... kase hanggang ngayon.... Hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo.... I love you....more than friends... Kaya siguro ganon din nabaliw sayo si Dave na muntikan ng may magawa sayo nung araw na yun"

Sa mga sinasabi ko ay parang nagmumukha akong desperadong tao

"Pero.... Huli na ang lahat, iba rin ang pinili at minahal mo...." yumuko ako na tumingin sa puntod niya saka mapait na ngumiti

"Kung nandito ka pa sana.... Ang makita ka lang masaya kahit hindi ako ang kasama mo.... buo na rin ang araw ko....."

Bumuntong hininga ako, sinusubukang pigilan ang mga luha ko dahil biglang nabasag ang boses ko

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon