Chapter 182

733 42 8
                                    

Dave's POV

Nagising ako ng makarinig ako ng ilang katok mula sa pintuan dito sa kwarto. Nakita kong may liwanag na nagmumula sa labas na natatakpan ng malaking kurtina.

Doon ko lang naalala na wala pala ako sa Pilipinas at wala rin ako sa sarili kong kwarto sa mansyon dahil nasa Turkey pala kami.

Hanggang ngayon din parin ako makapaniwalang sa isang iglap nandito na kami sa kakaibang lugar na to.

Unti unti na akong bumangon sa malaking higaan na ito, napatingin ako sa may orasan dito at nakitang malapit ng magtanghali na ikinagulat ko pa. Napasarap yata ang tulog ko, ang lambot kase ng higaan.

Napakusot pa ako sa mga mata ko bago napatingin sa pintuan ng may muling kumatok doon at may nagsalita na lalaki, ingles ang kanyang lengwahe.

Napapaisip ako na ganito ka disiplinado at napakagalang ng mga tao dito dahil kahit pag aari nila ang lugar na ito ay di sila papasok hangga't walang tumutugon.

"Come in" tugon ko kasabay nun ang pagbukas ng pinto.

Napataas pa ang pagkakakunot ng nuo ko ng may tatlong lalaki ang pumasok na pormal ang mga suot at dalawang babae na kapareho ang suot nung naghatid sa amin kagabi dito sa kwarto.

Tumayo na ako at inayos ang sarili, nakakahiya naman kung aasta akong amo nila kung nakikitulog lang naman ako dito.

Nginitian ko sila at ganon din sila, pipigilan ko sana sila sa pagyuko nila sa harap ko pero nahuli na ako. Sa tuwing gagawin nila yun ay di ko maiwasang mailang dahil parang pakiramdam kong napakataas at makapangyarihan kong tao.

Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan sila sa kung anong sadya nila dito, nakakahiya pa dahil mukha pa akong bagong gising.

Ang dalawang babae ay may bitbit na kung ano anong gamit na di pamilyar sa akin saka nila nilapag iyon sa may lamesa dito sa gilid ng kamay habang napaatras pa ako ng bahagya kaya napadikit ako sa kama ng ang tatlong lalaki ay basta na lang lumapit sa akin saka sabay sabay na hinawakan ang suot kong damit kasabay nun ang paglabas ng dalawang babae na isinarado ng maayos ang pinto, ni walang ingay ang maririnig sa pagsara nila ng pinto.

"W-wait. What are doing?" pagpalag ko pa na niyakap ang sariling suot na ikinahinto nilang tatlo.

"Forgive us for being rude, we would like to help you to take a bath and fix yourself Your Highness" ngiting ani ng ng isa sa akin na ikinagulat ko at lumayo pa sa kanila

"W-what?!" di ko naiwasang napataas ng boses na ikinatinginan pa nilang tatlo, mukha silang nagtataka sa reaksyon ko "N-no thanks, I can help myself" pilit akong ngumiti sa kanila na ikinatinginan pa muli nilang tatlo.

"But it's our duty to help you Your Highness" ani muli ng isa sa kanila na mukhang sya lang yata ang magaling magsalita ng english language.

'Why is he calling me Your Highness?'

"N-no haha.. It's ok, I can do it by myself, thank you for your kindness but y-you can call me Dave na lang" naiilang ko pang sabi na pilit tumawa para mabawasan ang awkward

Muli silang nagkatinginang tatlo na mukhang takang taka na sa iniasta ko kahit di ko alam kung anong ipinagtataka nila, ako dapat ang magtaka dahil tutulungan daw nila akong maligo! I feel really weird towards them.

"Ok Dave Your Highness————"

"N-no just Dave.. You can call me Dave only hehe.." napapahimas na lang ako sa batok ko dahil halatang pilit ang tawa ko.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now