Chapter 197

806 34 8
                                    

Alex's POV

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang mahaba naming kwentuhan na iyon na tumatak talaga sa isip ko. Paulit ulit ko itong naiisip kung gaano kabigat, kahirap at kadami ng napagdaanan ni Jaspher, maprotektahan lang ang mga taong malapit sa kan'ya kahit malamig man ang trato n'ya.

Alam ko na ngayon kung bakit ganoon ang ugali n'ya. Malamig at hindi palasalita, higit rin sa lahat pilosopo o 'di kaya ay napakatino talaga kaausap. Dahil iyon sa mga napagdaanan n'ya mula bata pa s'ya.

Kanina pa ako naglilibot dito makita lang ang taong sadya kong puntahan. Nagtanong tanong kase ako kung nasaan s'ya pero wala ito sa kwarto n'ya.

Isa pa ang ipnagtataka ko ay nakita ko pa hanggang ngayon na nakaluhod pa rin ang gwardya na hindi nagbabago ang pwesto sa labas ng kwarto n'ya. Ganoon pa rin ang pagkakaluhod at pagkakababa ng tingin n'ya.

Naiisip ko tuloy na pinaparusahan s'ya ni Jaspher at hindi ito tatayo o aalis sa pwesto hangga't hindi n'ya sinasabi. Ni hindi ko alam kung nakakain na ba ito o nakatulog man lang, nakaramdam rin ako ng awa doon sa gwardyang iyon kahit muntikan na n'ya akong matamaan ng bala.

Ang ipinagtataka ko pa hanggang ngayon ay kung bakit ako tinangkang barilin ng gwardya gayong kakatok lang naman ako sa kwarto ni Jaspher.

Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan na ako patungo nito. I just followed what the female servants told me using my translator in phone. They said that malapit raw sa may garden s'ya ngayon. Napaka detailed 'di ba?

Hindi ko alam kung saang garden ang tinutukoy nila sa lawak at dami ng gardens na nandito, at hindi ko rin alam kung saang malapit ang tinutukoy nila sa laki ng lugar dito.

Naliligaw na yata ako. Paano ba naman kase, parang hindi na garden itong nilalakaran ko. Papunta na yatang forest ito. Ang lalaki na kase ng mga puno dito sa mga nadadaanan ko. Makikita ang katandaan sa lugar na ito pero makikita pa rin ang angking kagandahan.

'Where on Earth am I? Where the f*ck did she go? Nakakahilo na palakad lakad dito'

A few moments later.

I stopped for a while. Nakatukod ang mga kamay ko sa parehong tuhod habang hiningal na ngayon.

d[9o9]b

'F*ck! Naliligaw na nga siguro ako! Pshh, dapat mukha akong disente ngayong araw, hindi mukhang napadaan sa bagyo!'

Ilang sandali pa ang pamamahinga ko saglit at akma na sanang maglalakad ulit para hanapin si Jaspher pero natigil ako ng mabaling ang tingin ko sa isang pamilyar na taong nakalutang ngayon!

Nailibot ko pa ang paningin kung nasaang lupalot ako ng mundo napunta, umuusok ang tubig dito. Kung hindi ako nagkakamali spring bath ito.

At ang babaeng lumulutang ang ulo ngayon na walang malay ay ang babaeng kanina ko pa hinahanap!

"JASPHER!" napasigaw kong tawag dito at napuno ako ng kaba habang natutuliro kung ano ang gagawin.

Mabilis kong inalis ang suot pang itaas ko at hindi nagdalawang isip na tumalon sa tubig saka mabilis na napa dive pa doon papalapit sa gawi n'ya.

Walang kasing bilis akong napalapit dito "Jaspher! Hey Jaspher, Wake up! F*ck! I said wake up!" marahan ko pa s'yang inalog alog at akma ko na s'yang i-aahon ng ganon na lang ang gulat ko dahil bigla s'yang gumalaw at mabilis na kinalas ang pagkakahawak ko sa kan'ya, ganon rin s'ya kabilis na napalayo na para bang gulat na gulat.

"What?! Anong meron? Bakit ka sumisigaw? May sunog ba?! Teka, hindi pala nasusunod ang tubig.." nahahawa s'ya sa pagkataranta ko at saglit pang napaisip na para bang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon