Chapter 203

638 30 0
                                    

Continuation of Alex's POV

"Alex... I'm sorry for the disturbance—————"

"I don't need your apology" pagtitigil ko sa kan'ya.

"Alex... I'm trying to be nice here.. please listen to me.. kahit saglit lang.. " pagmamakaawa n'yang sabi.

Sincerity is on her face.

"Whatever" nasabi ko na lang bago inawang muli ang pinto ng kotse pero sa back seat na.

"Get in" I added.

Sinulyapan n'ya ang loob.

"There?" her forehead creased before she looked at me.

"What do you want? Sa gulong?" kunot nuo kong sabi.

"Alex—————"

"Could you f*cking stop calling my name? It's f*cking annoying!" naiirita kong napataas ang boses na ikinaigtad n'ya sa kinatatayuan, ikinatuptop ng bibig n'ya at napayukong napaiwas ng tingin.

"Sorry.." mahina n'yang nasabi habang hawak ang sariling mga kamay. Kita ko ang panginginig nun.

I don't know pero, hindi s'ya ang Stephanie na nakilala kong spoiled brat at masyadong maarte lalo na sa pananalita. Iba ang iniasta n'ya ngayon, parang wala s'yang balak sumagot sagot ng minaldita.

I heaved a deep f*cking sigh.

"Get inside" sinubukan kong huminahon na sa back seat pa rin s'ya papaupuin.

Hindi pa rin mababawasan ang inis ko sa ginawa n'ya sa akin nung gabing iyon. Sinulyapan n'ya pa ako na para bang tinitignan kung sigurado ba akong kakausapin ko s'ya ng nakatalikod sa gawi n'ya.

Kita ko pang napabuga s'ya ng marahan na hininga bago maingat na naglakad at pumasok na sa loob.

Bahagyang pabagsak kong sinarado ang pinto bago umikot sa kotse at pumasok na sa driver's seat.

"Speak now" I said while checking the time on my watch.

Sinulyapan ko pa s'ya sa rear view mirror nang hindi ko s'ya agad narinig na nagsalita.

Kita kong nakababa lang ang tingin n'ya sa sariling mga kamay na nakapatong sa kan'yang hita.

Humugot s'ya ng malalim na hininga.

Napairap ako sa kawalan at hinihintay s'yang magsalita.

'Nasan na ba nagpunta si Jaspher... I think I missed her already..'

"I know that.. you don't need or don't want to hear my apology but..." panimula n'ya.

"I'm.. very sorry for what I did.." she added, napansin kong biglang nabasag ang boses n'ya sa huling sinabi, naging dahilan iyon para lingunin ko muli s'ya sa salamin.

"I feel like.. I'm going insane or I feel like..." pambibitin n'ya bago umangat ang tingin sa akin na nakatingin rin sa salamin.

"I'm losing my sanity, because of the problems I was carrying at those times..." patuloy n'ya. She avoids mentioning my name.

'Problems? What problems?'

Nanahimik lang ako.

"I'm very sorry at.. nadamay ka pa.. hindi ko sinasadya. Please forgive me—————" I saw her eyes start watering.

"May nangyari ba sa atin?!" hindi ko naiwasang napataas muli ng boses habang salubong na salubong ang mga kilay.

Hindi s'ya nakasagot agad at tinignan lang ako.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now