Chapter 162

784 59 3
                                    

Alex's POV

I'm spacing out as usual. Inaayos ko ang kwelyo ng black polo ko pati ang dulo ng sleeve nito habang nakaharap sa salamin

Maayos na rin ang itsura ng kwarto ko na pinalinis ni Nay sa mga helpers namin dito.

Dahil sa pagka-excited na natutulala palagi ay hindi talaga ako nakatulog hanggang sa inabot na lang ako ngayong umaga. Panay ang tanong sa sarili na lalong ikinasakit ng ulo ko, kumain ako ng kaunti na hindi pinapakita sa mga tao dito

Kailangan kong magmukhang maayos at ipakita sa kanya na hindi ako apektado matapos ng ilang taong pagtatago niya, gusto kong ipakita na kung hindi na kagaya ang nararamdaman niya sa akin ay di ako magmumukhang mahina dahil ako ang lalaki sa amin

Naiisip ko rin na tinatanong ang sarili kung ano ba ang dahilan ng pagtatago niya, na-iisip ko na posible kayang... May iba na sya?

Napailing ako para maalis sa isip ko iyon, hindi muna ako mag-iisip ng mga negatibo dahil lalo lang nasisira ang kalusugan ko, i dealt with my parents that i will take good care of my health kapalit ng pagkikita namin ngayong araw ni Jaspher

Di ko alam kung magiging masaya ako ngayong araw dahil kapalit naman ng pagkikita ko kay Jaspher ay ang pagkasira ng magandang relasyon ko sa mga magulang ko, hindi parin kami nagpapansinan sa isa't isa lalo na si Mommy pagkatapos ng nangyari

Mayamaya pa ay napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon "Come in"

Bumukas ang pinto at sumilip doon ang isang helper namin, sinubukan niya pang ngumiti sakin pero kita ko sa mga mata niyang kinakabahan at natatakot sya sa presensya ko. I'm used to it, ang katakutan ako dahil sa personality ko

"Ahm. Senyorito, nakahanda na daw po ang lahat at hinahantay na po kayo ni Senyor Xander para sa almusal" aniya

Tinanguan ko naman sya bago sya nagpaalam at umalis na, sinarado ang pinto

Matapos kong mag-ayos at magpabango ay napatingin pa ako ulit sa frame na may drawing ng mukha ko, bigla ko na namang naisip ang letters na iniwan niya bago sya mawala, dahil doon paniwalang paniwala ako na wala na talaga sya, scammer talaga, kung hindi feelings niya ang totoo ang pagkawala niya rin ang napakasakit na kasinungalingan

Lumabas na ako ng kwarto ng hindi ko bitbit ang sulat na galing sa sakanya. Napakatahimik ng paligid magmula paglabas ko ng kwarto, nababalutan ng kalungkutan at napakalamig

I take a stair not the elevator. Hanggang sa makababa ako ay napakatahimik parin, aakalain mong ako lang ang mag-isa dito kahit marami kami at may kanya kanyang inaasikaso ang nagtatrabaho dito, ang ilan ay naglilinis kung saan, ang ilan ay nagsasampay, ang iba naman ay busy sa pagaasikaso ng halaman sa garden habang sila Nay at iba pang helpers dito may ginagawa sa kusina na inaasikaso ang pagluluto

Napahinto ako sa paglalakad ng makita sila Dad at Mom na nakaupo na sa hapagkainan, magkaharap sila pero naninibago ako dahil bukod sa hindi na tumutulong si Mom sa paghahanda nila Nay ng makakain ay si Dad lang ang halos na nagsasalita na kinakausap sya

Sabay silang napatingin sakin ng bahagya kong inurong ang upuan, umiwas ako ng tingin bago tumikhim "Good morning" mahina ko lang na ani, ang awkward kase kung napakatahimik at may pagtatalo na naganap sa pagitan ng magulang mo

Sa tingin palang nila ay talo ka na lalo na pagdating kay Mommy, naninibago ako sa dating niya ngayon, hindi niya ako binati pabalik at si Dad lang ang nag good morning sakin dahil tinanguan lang ako ni Mom

'Cold'

Natapos ng maghanda sina Nay at hindi muna sasabay si Nay sa pagkain namin kahit niyaya na sya ni Mommy na sumabay dahil para ko ng lola si Nay kung ituring namin ay kabilang na sya sa pamilya

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon