Chapter 198

738 43 7
                                    

Warning!

Wala lang. (- -,)

Pieris' POV

S'ya na ang humihila ngayon sa akin at hawak ng mabuti ang kamay ko, para bang namamadali.

Tutal ay nalalabi na lang ang araw na pananatili nila dito ay hinahayaan ko na lang muna.

Kanina ay medyo nawirduhan ako sa kan'ya dahil panay ang banggit n'ya sa salitang kasal. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba sa mga ikinikilos n'ya at kataka takang ganon kabaha ang nilakad n'ya kanina, mahanap lang ako, mukhang nagtanong tanong pa nga sa ilang mga tauhan ko.

Ang isa pa sa ipinagtataka ko ay lumabas kami muli sa palasyo. Nilampasan namin ang sala para kumain sana pero hindi na lang ako nagtanong pa ng maalala ang sinabi n'yang, magdi-date daw kami.

Baka nag-set up na naman 'to kung saan.

Maya't maya pa ay huminto na s'ya sa paglalakad dahilan para mahinto rin ko. Nilingon n'ya ako.

"Baby, can you wear this?" napatingin ako sa hawak n'yang blindfold.

Kung titingin ako sa mga mata n'ya. Mukhang kinakabahan s'ya, lalo na't kanina ko pa ramdm na nanlalmig ang mga kamay n'ya.

Napataas pa ang parehong kilay ko sa kan'ya.

"Anong paandar na naman ba 'to?" nagtataka kong tanong.

"Please.." dagdag pa n'ya na hindi sinagot ang tanong ko kaya napabuntong hininga na lang akong tumango.

Hinila n'ya ako papalapit sa kan'ya sa pagkakahawak sa kamay ko bago ako binitawan.

"Close your eyes, please" maamo pa nitong ani na nakaakma ng isusuot sa akin ang blindfold.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko, bago s'ya na mismo ang nagsuot sa akin non.

Nakapiring na ako. Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat para humarap ng maayos sa kan'ya.

Magsasalita na sana ako na magtatanong kung ano na ang susunod na hakbang kong gagawin ngunit ganon na lang ang pagkabila ko ng maramdaman kong mabilis n'yang dampian ng halik diretso sa aking labi.

'Aba't talagang umi-score pa!'

"Tang————"

"Shh" gamit ang isang daliri n'ya ay idinikit n'ya ito sa labi ko para pahintuin ako sa pagsasalita. Kinakabahan ako sa gagawin n'ya.

'para saan ba kase itong blindfold? Tss. Kung ano anong paandar ang pinaggagawa sa mundo'

"Once you heard something, you can take it off" halos manindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa tenga ko.

'Anong something ba 'yon?... Paano kapag utot narinig ko? Aalisin ko pa rin ba ito?'

Magsasalita pa sana ako matapos ako bitawan sa pagkakahawak n'ya sa magkabilaan kong balikat ngunit naramdaman ko na lang na wala na s'ya sa harap ko.

Pakiramdam ko ay para akong tanga na mag-isa lang nakatayo dito habang naghihintay kung ano mang tunog ang maririnig ko.

"Hoy Tukmol nasan ka na? Ano bang trip mo sa buhay at dinamay mo pa ako?" nalilibot ko pa ang paningin na para bang may nakikita ako at pilit s'yang hinahanap.

"Tukmol. Wala akong oras makipaglaro, nagugutom na ako" ani ko pa ng walang sumagot.

'T*ngina naman, asan na 'yong lalaking 'yon?!'

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now