Chapter 168

785 45 4
                                    

Alex's POV

Nagkakagulo ang lahat habang napatago kami sa ilalim ng mesa ng itinaas ng lalaki ang baril niya na ipinutok ito, ang ilan ay napahiyaw pa sa takot na matamaan

'What the f*ck is happening?!'

Hindi kami makaalis sa lugar na ito dahil hindi makikita ang pintuan, sa bumubukas na pader kase kami pumasok kanina at ngayon di ko alam kung saang pader yun dahil halos hindi ito makikita. Para tuloy kaming nakakulong sa isang malapalasyong lugar na walang daan palabas

Matapos bumaril ang lalaki ay may isang bagay ang tumusok sa kanya, naibaba niya ang baril na hawak niya bago niya tinanggal ang bagay na iyon

'Dart'

Sa nakita ko ay di ko alam kung bakit kumakabog lalo ng ganito kabilis ang puso ko

"What the hell?.... Where did it came from?! Who the hell did that?!" napatingin ako kay Klyde ng natataranta niyang ani na bahagya pang lumaba dito sa ilalim ng mesa parang sumilip, kita ko na hinawakan pa sya ni Cindy nag-aalalang baka matamaan ng ligaw na bala

"I did"

Napabilis ang paghinga ko habang biglang nanlalamig sa pwesto ng marinig ang boses na iyon kung saan. Di agad ako nakalingon sa pagkabigla pero rinig ko ang yapak nito papalapit sa gawi namin dahilan para halos marinig ko na ang malalakas na tibok ng puso ko

Sila ay mabilis na napalingon doon habang ako ay nagdadalawang isip pang mapatingin sa gawi niya

'D*mn... Hindi na dapat ako mabigla kase nakita ko na sya... Bakit ganito parin ang nararamdaman ko?!'

Kita ko ang gumuhit na gulat sa kanilang mukha. They all caught of guard and their jaw dropped in shocked. Ang ilan ay minumukhaan pa nila kung sino ang nagsalita kaya napalingon na ako sa gawi niya

'Siya nga'

Nagtama ang aming paningin habang dinig na dinig ko ang pagkalabog ng puso ko.

Di ko napansin agad kung ano ang ayos niya ngayon dahil sa unang tingin pa lang ay nakilala ko na sya agad.

I looked at her from head to toe.

'She look... Fabulous'

Ganon na lang ang pagkatulala ko sa kanya dahil it's first time na makita ko syang naka suot ng sexy red dress. Sa unang tingin ay aakalain mong natural na buhok niya iyon ang long hair na lampas balikat, may kaunti pang bangs and...

'Is she wearing a contact lenses?'

Kulay dark brown kase ang mga mata niya. Sa isip isip ko ay sana naka backless ang suot niya, I'm not being a pervert gusto ko lang makita ang mga marka sa likod niya para makasiguradong sya nga ito

'Her scars on her back na kagagawan ng stepfather niya noon'

Ayos na sana ang suot niya pero parang nanghinayang ako ng makitang naka sport shoes ito at parang di babae kung tumindig

Lahat ay napatayo at napalabas sa pinagtataguan namin, habang gulat na gulat parin ang mga kasama ko, speechless

"K-Krist?" napatingin ako kay Dave ng magsalita ito

I groaned. Sabay sabay silang napasigaw na napalayo sa gawi niya na para bang nakakita ng multo

"WAAHH! A GHOST! A FREAKING SEXY GHOST!!" napasigaw na ani Klyde na nagtago pa sa likod ni Cindy na gulat na gulat pa ring nakatingin sa gawi nito

"JUSKO DZAI! MAY ZOMBIE!" napasign of the cross pang ani Nickie na sumuksok kay Ken pero pati si Ken ay nahahawa na rin sa kanya at napaatras rin

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now