Chapter 188

747 58 17
                                    

Warning!

Ang mababasa niyo sa chapter na 'to ay may kaunting ano, kaya please be open minded, wag kayong ano. Basta.

(- -,)

Zia's POV

Huminto muna ako sa aking mga ginagawa sa mga papeles para sa aking mga trabaho na nakakasakit lalo ng ulo.

Ang sarap itapon at sunugin ng mga yun minsan, lalo na kung sunod sunod ang mga kailangang gawin.

Tulala lang akong nakatitig sa kwintas na aking hawak. Hawak ko mismo ang disenyo niyong paru-paru. Gamit ang aking hinlalaki ay pinaglalaruan iyon.

Bigla akong napapikit sa sakit dahil ito na naman ang nararamdaman kong sakit sa ulo. T*ngina naman ang sakit parang mabibiyak.

Napahawak pa ako sa aking ulo.

*Memories are flashing back*
.
.
.

"Close your eyes———" nakangiting pag-utos sakin ni Tukmol na ikinakunot ng nuo ko. Ang lapit rin kase ng mukha niya sakin.

"Bakit?" mabilis kong ani, kinakabahan na sa kung anong balak niya na namang gawin sakin.

Nung huli niya akong inutusan na ipinikit ang aking mga mata ay iba ang nangyari.

Napabumuntong hininga siya "Don't worry, i promise na wala akong ibang gagawin sayo.... Just close your eyes, baby" pagpapaliwanag niya pa

Humugot ako ng malalim na hininga at ipinikit na lang ang mga mata, baka madaan pa 'to sa pagtatalo kung di masusunod ang gusto nitong g*gong 'to.

Magsasalita na sana ako na balak tanungin kung anong ginagawa niya ngunit ikinagulat ko ng makaramdam ako ng dampi ng halik sa labi ko.

Mabilis kong naimulat ang mga mata sa pagkabigla. Tinangka ko pang magsalita para sawayin siya pero natigil ako nang makita ang pamilyar na kwintas sa akin sa mismong harap ko, halos maduling ako sa pagkakalapit niya sa kwintas.

"Happy birthday baby, this is my gift for you" masigla niya lalong sabi, mas excited pa ang g*go kaysa sakin sa abot tenga niyang ngiti.

End of flashback

Napakapit ako sa arm rest ng kinauupuan ko sa pagkahilo bigla. Medyo pinagpawisan dahil sa panibagong ala-alang iyon.

Patagal ng patagal ay parami ng parami ang ala-alang basta na lang nagf-flash sa isipan ko. Ang kinaiinis ko pa dahil t*ngina, napakasakit. Daig ko pa ang inumpog ang sariling ulo sa pader.

'T*ngina... Kailan ba titigil ito?..'

Napahawak ako sa ulo ko at marahang minasahe iyon, panay ang pagpapakalma sa sarili. Napapikit ng mariin.

Naimulat ko ang aking mga mata ng maalalang hawak ko pa pala ang kwintas na 'to. Ibinalik ko na sa kahon yun na lalagyanan ng kwintas.

Ilang sandali pa ay nagilan ako muli ng makarinig ng tunog ng gitara mula sa labas nitong kwarto kahit alam kong soundproof ito ay ganon ka lakas ang pandinig ko.

Don't go tonight

Stay here one more time

Remind me what it's like....

Dahan dahan akong napalingon sa pinto nitong kwarto. Sa pamilyar na boses na iyon ay di ko mawari kung anong itong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong kaba at takot sa mga oras na ito.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon