Chapter 192

714 31 0
                                    

Calix's POV

Nahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tunog ng isang string instrument. Relaxing pakinggan 'yon. Para bang ang tunog nun ay katulad sa mga music ng mga chinese gamit ang traditional instrument.

Lumiko ako ng direksyon sa paglalakad at sinundan ang musika na iyon kung saan nagmumula while drinking my coffee.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang makakita ako ng isang pamilyar na babaeng mahinhin nakasuot ng hanfu habang tumutugtog ng guzheng.

Nakaupo sa isang maliit na bangkitong kahoy doon sa may maliit na bahay bahayan dito, may disenyong pangchinese design ang itsura ang bubong nito.

Di ko alam kung ilan ang garden dito dahil halos buong palasyo ay napapalibutan ng mga magagandng halaman at puno, pati na rin ang naggagandahang mamahaling bulaklak.

Maingat ang bawat kalabit n'ya sa mga strings nito. Napapapikit pa, dinadama ang musikang nalilikha.

Ganon ako namangha, sinong mag-aakalang isang bulag na babaeng kayang tumugyog ng isang traditional instrument.

'Di ko namamalayang napahakbang na pala ako papalapit sa gawi nito. Nakapwesto sa may gilid n'yang may 'di kalayuan habang umiinom ng kape.

Inaamin ko mang natakot ako sa kan'ya nung unang beses ko s'yang mapanood nangbali ng braso ng isang lalaking mas malaki pa ang katawan sa kan'ya pero pakiramdam ko, hindi naman s'ya masamang tao.

Actually she looks like the type of a person who are always silent. Shy type kumbaga, may pagkamahinhin rin, she looks kind. Mabait na matinik.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang mahinto s'ya sa pagtugtog at unti unting binaling ang tingin sa akin. Para bang nakikita n'ya ako, o sadyang ganon na lang kalakas ang pakiramdam n'ya kumpara kay Zia.

Kaagad akong tumalikod at akmang aalis na tutal 'di naman ako nakikita pero nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita ito.

"Where are you going?"

Naitikom ko ang bibig ko habang nakatingin sa kawalang nangangapa ng isasagot.

Nangunot ang nuo ko bigla dahil sa 'di malamang dahilan ay parang nakaramdam ako ng kakaibang kaba na bumilis bigla ang tibok ng puso ko matapos marinig ang mahinhin na boses n'ya.

"Calix.. right?" dahil sa sinabi n'ya ay awtomatiko akong napalingon sa gawi n'ya.

'How the hell?'

"Yes, why? How did you know my name?" pandidiretso kong tanong.

Ngumiti s'ya sakin na parang nakakakita s'ya. Nasalubong ko ang puti n'yang mga mata.

"I'm trying to be nice here, please do the same thing" mahinahon n'yang ani nakangiti pa rin.

"Tshh. I'm being nice here Miss. I'm just asking you, is it bad to ask?"

"Tā zhēn de shì yīgè júwàirén. Zhēnshi gè cūlǔ de jiāhuo" (He's really an outsider. What a rude guy) rinig ko pang bulong n'ya bago pino ang kilos na tumayo.

Inayos ang sarili at binuhat ang malaking instrument na iyon.

"Hey. Where the heck are you going?" ako naman ang napatanong ng ganon dahil basta na lang akong tinalikuran.

"Why do you care?" nilingon n'ya ako. Sa tono ng boses  n'ya ay mukha pa rin s'yang mabait.

"I'm just asking Miss. Could please just answer my questions, you did not answer my first question?" sinubukan ko ring maging mahinahon ang boses, nakakahawa ang mahinhin na boses n'ya.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon