Alex's POV
Gaya ng napag-usapan namin ni Cindy ay kinabukasan nun ay magkikita kami at ngayong araw iyon, tinext nya ako na free na daw sya ngayon.
Nauna ako ngayon dito sa labas ng building ng hospital na pinagtatrabahuan niya at nakaupo ako dito sa may bench, may lamesa sa harapan ko at may patio umbrella rin sa kinauupuan ko, mahangin rin dito kaya hindi gaanong mainit kahit hapon
Ilang minuto pa ang lumipas ng makita ko na sya sa di kalayuan na nililibot ang paningin, kasabay nun ang pagring ng phone ko ng makita kong may tinatawagan sya sa phone niya at ako yun
Where are you, b*tch?
Look to your left side, b*tch
Lumingon naman sya at ng magtama ang aming paningin ay sinenyasan ko sya bago niya walang pasabing pinatay agad ang call
'Psshh. Bastos talaga'
Naglakad na sya papalapit sa akin "What do you want?" yun agad ang salubong niya sakin habang naka angat lang ako ng tingin sa kanya
"Can you please take a f*cking seat first?" sa paraan palang ng pananalita namin ay namumukhaang di na talaga kami magkakasundo
Napairap sya sa kawalan bago padabog na umupo saka tumingin sa relo niya "Siguraduhin mong mabilis lang to, baka may emergency na dating"
"Pshh"
"Don't Pshh me. I'm serious here, my work is very important" pagpoprotesta niya
"Ok. Ok. Fine" pagsuko ko bago napabuntong hiningang ipinatong ang siko sa lamesa
"Now what?" di makapaghintay niyang tanong
"I have some questions to you and please answer it honestly according to your knowledge being a physician" napatango naman sya at sumeryoso narin
Humugot muli ako ng malalim na hininga "You see, i have a friend of mine na.... Matagal na kaming hindi nagkikita and one day when I already met her—————i mean him... " kailangan kong maging maingat sa mga sinasabi ko at baka magtaka sya na wala naman silang naging kaibigan kong babae, papaniwalain ko na lang syang lalaki ito
"When i met him, he no longer recognize or even know me" nakikinig naman sya habang nagkukwento ako, matino naman pala sya minsan
Napatango tango naman sya "Are you sure na sya yung taong yun? Kase meron talagang tao na magkakamukha lang kahit hindi magkadugo o kakambal man lang" tanong niya
'No, I'm not'
Tumango na lang ako dahil di malabong si Jaspher yun dahil kilala sya ni Dad, wala namang ibang tunay na nagmamay-ari ng paaralang SBWA kundi ang pamilya ni Jaspher ika niya nun sakin
Napasandal sya sa kinauupuan na parang nag-iisip "Sino ang taong yun? Do I know him?" napakunot ang nuo ko sa tanong niya
"Basta, sagutin mo na lang" yun na lang ang nasabi ko dahil ayaw ko rin namang magsinungaling. Sya naman ang napa kunot nuo at di agad ako sinagot, parang ino-obserbahan niya ako
Napabuntong hininga sya "May nabalitaan ka ba sa kanya na naaksidente or any head injury?" umiling lang ako sa tanong niya, sigurado akong hindi nabagok ang ulo ni Jaspher dahil inatake lang sya ng sakit niya
"How about... Any abuses... Like drugs, alcohol————"
"No, of course not. Hindi ganon si Ja————I mean hindi sya ganon" yun lang ang nasabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/245428151-288-k409489.jpg)
YOU ARE READING
I Just Want to be Happy 2 [Completed]
RomancePart 2 You turn my whole world upside down n-3^07-!