Chapter 204

760 28 2
                                    

Ting ding ding ding ding. Ang kabanata na ito ay rated SPG, pero konti lang. Kaya kung gusto mo pa basahin, sige gow lang.

Pieris' POV

"Meşgul müsün?" (Are you busy?)

Wika ko sa kabilang linya na ang kausap ay si Xander.

"Tam olarak değil... Neden?" (Not really... Why?)

"seninle konuşmam lazım" (I need to talk to you)

"Emrinize uyulacak Majesteleri" (Your command will be obeyed, Your Majesty) magalang n'yang pagtatapos sa usapan.

Hinintay n'yang ako mismo ang papatay sa tawag dahil masamang gawin ang babaan ako ng tawag.

Napabuntong hininga akong tinapos na ang tawag. Hindi ko maiwasang mailang na hanggang ngayon ay napakagalang n'ya pa rin sakin makipagusap kahit na may pagkakataon kaming nakikipagbiruan sa isa't isa.

Nakakailang sa isiping, magiging parte na rin ako ng pamilya n'ya at magiging father-in-law ngunit napapaisip ako kung ganon pa rin ba ang trato namin sa isa't isa o ituturing n'ya akong parang anak na rin.

Naririto ako sa teritoryo ko sa Pilipinas habang kanina pa lumulutang ang isip ko tungkol sa sinabi ni Alex nung isang araw.

Kinakabahan ako na natutuliro para sa kan'ya. Napapaisip na, paano kung hindi s'ya makaligtas sa pagsubok. Lubhang napakadelikado, natatakot ako para sa kan'ya.

Sinalubong ako sa pagsabay sabay na pagyuko bilang paggalang nang dumaan ako, napagdesisyunan ko kaseng tumungo sa labas upang salubungin na s'ya, hindi ko na ipag-uutos sa mga tauhan ko.

Akin ko na s'yang natatanaw sa 'di kalayuan, sakay ng kan'yang sasakyan na iisa lamang ang mukha sa mga tig-iisang sasakyan ng mga tauhan ko, ngunit mas matitibas ang bawat bahagi ng sasakyan n'yang ibinigay ko na maaari lamang itong gamitin sa tuwing pupunta sa aking mga teritoryo.

Hindi n'ya ako nakita kaagad matapos niyang bumaba kahit nasa gilid n'ya lang ako habang parehong nakapamulsa ang aking mga kamay.

Bahagya pa s'yang natigilan nang tuluyan n'ya na akong mapansin, mukhang nabigla pa sa kinatatayuan dahil sa biglaan ko na lang pagsulpot.

"Kaba davrandığım için kusura bakmayın Majesteleri. Varlığını hemen fark etmedim" (Pardon me Your Majesty for being rude. I did not immediately notice your presence)

Kaagad n'yang pagpapaliwanag at yumuko ng pagkababa sa harap ko, nananatiling ganon hanggat wala akong sinasabi.

Hindi ko na naman maiwasang mailang, nai-imagine ko kase na, paano kung totoong Ama ko ang yumuyuko at nagpapakumbaba ngayon sa harap ko, kaya ganito na lang ang nararamdman ko sa mga oras na ito.

"Sorun değil ... Senin hatan değil ..."(It's okay... It's not your fault...)

Naiangat n'ya ang ulo n'ya na mukhang nagulat sa aking sinabi sa mahinahong tono at hindi malamig ang pakikitungo.

Alam kong nakasanayan n'ya kase, kung yuyuko s'ya sa harap ko, kung hindi buntong hininga ay K lang ang sinasabi ko ganon ako kawalang modo pero marunong pa ring rumespeto kahit papaano. Kailangan kong tumugon, dahil kung hindi, magdamag s'yang nakaganon lang ang posisyon hanggat wala akong sinasabi. Tulad sa gwardyang pinarusahan kong lumuhod magdamag matapos muntikang matamaan ng bala si Alex.

Ginagawa lang naman ng mga tauhan ko na mamaril sa iba't ibang parte ng katawan maliban sa parte na pwedeng ikamatay kung hindi kinakailangang pumatay ay dahil iyon sa mahigpit na pagprotekta sa akin.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now