Chapter 160

875 65 2
                                    

Dave's POV

Nagsisintas ako ng sapatos ngayon matapos makapagbihis, day off ko ngayon pero naisipan kong dalawin si Alex

Nabalitaan kase naming hindi sya lumalabas sa kwarto niya at panay ang lock ng pinto na nagmumukmok doon, bumalik na naman sya sa dati

Di ko alam ang dahilan kung bakit sya nagkaganon dahil hindi naman sinabi nina tito Xander

Matapos kong magpabango ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na, binati pa ako ng isang kasambahay na napadaan at binati ko naman ito pabalik na nakangiti

"Dave, kunin mo ito at ipagdalhan mo sila ng kare kare, paniguradong magugustuhan ito ni Alex!" pasigaw na ani Mama na papalabas na ngayon sa kusina

Nilapitan ko naman sya sabay kuha nung taperwer na iniabot niya na nakalagay sa plastic bag

Niyakap ko muna si Mama bago hinalikan sa nuo "Bye, Ma" aniko, ngumiti naman sya

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ah"

"Opo, Ma" bahagya pa akong natawa kase parang bata pa rin niya ako kung ituring, hinahayaan ko na lang kung yun ang ikasasaya niya

"Ikumusta mo rin ako ni Julie at ni Xander, pati na rin si Nay at Alex" bahagya na naman akong natawa

"Yes, ma. Gusto mo ikumusta na kita sa lahat ng tao doon?" pagbibiro ko pa dahilan para lumabi sya

"Ikaw talagang bata ka"

"Haha.. I'm not a kid anymore, Ma"

"Ok. Ok. You're a man now" pagsuko pa nito at pareho kaming natawa "By the way, nagpaalam ka na ba sa, Dad mo?"

Tumango naman ako "Hmm, yup.. I already texted him kanina"

Nasa restaurant kase si Dad ngayon na sya ang nagbabantay kaya nagpaalam ako sa kanya through message

"Sige na, Ma baka masunog yung niluluto mo doo——————"

"Ay, Hala! Yung Hotdog ng Daddy mo!" nataranta niyang ani na pabiglang tumakbo papuntang kusina

Bigla akong nabulunan sa sarili kong laway dahil parang doble meaning ang nasabi ni Mama

Alam kong dinadalhan palagi ni Mama ng makakain si Dad sa work na binibisita niya kahit busy sya, ganon sya kaasikaso, pero...

'I hate my mind'

"Sige Dave anak, tawagan mo na lang ako or message mo ko kung pa-uwi ka na!" ani Mama mula sa kusina at nagaasikaso ng niluluto

Di naman kase marami ang kasambahay namin dito dahil dalawa lang ito, hindi kagaya ng mga kasambahay sa mansyon nina Alex, halos di mabilang sa daliri ang nagtatrabaho doon kaya si Mama ang nag-aasikaso sa kusina

Ayaw kase niya ng maraming kasambahay dahil di rin naman daw mabibigat ang mga gawaing bahay, lalo pa't iilan lang kami dito sa mansyon dahil ang dalawang kapatid kong panganay ay nagtatrabaho na sa ibang bansa, I'm the youngest among my two brothers, puro kami lalaki. Uuwi lang sila kuya kapag may okasyon, kasama na doon ang new year at Christmas pati na rin birthdays

"Ok, Ma. Bye, I'm leaving now!" balik kong pasigaw na ani para marinig niya ako sa lawak ng agwat namin

Binuhay ko na ang makina nitong sasakyan matapos magseatbelt bago nagumpisang magmaneho paalis.

"Hi, Good morning. Nay" bati ko ng makapasok ako basta basta dahil kilala na rin naman ako ng mga guards at helpers dito

"Oh. Good morning din hijo, naparito ka? Si Alex ba sadya mo dito?" nakangiting salubong sakin ni Nay, paniguradong wala ang parents ni Alex sa mga oras na to dahil may trabaho rin ang mga ito

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now