Chapter 149

1.1K 95 6
                                    

Alex's POV

Like a river, I flow

Para na akong nawawala sa katinuan sa kaloob looban habang hinahanap kung saan nagmumula ang boses na iyon, gayong nasa labas naman ako at parang nanggagaling sa loob ng kung anong lugar ang boses na iyon

To the ocean, I know

Kumakabog sa bilis ang puso ko ng tumama ang paningin ko sa isang bar at malakas ang loob ko na doon nagmumula kung sino man ang kumakanta doon

Nawawala na ako sa sarili ng basta na lang ako tumakbo papunta doon

'I know she's the one who's singing right now.... I know she's alive..... Di ako pwedeng magkamali sa mala lalaki niyang boses....'

Nang dahil sa pagkawala sa sarili ay di ko na pinapansin ang mga dinadaanan ko habang tumatakbo ako papunta doon, hanggang sa natigil ako ng may ilaw na papalapit sakin at natagpuan ang sariling nasa kalsada ako

Beeeeepppp!!!

Nanlaki ang mga mata ko na di naikilos ang sariling mga paa sa pagkagulat ng may isang van ang mabilis ang takbo na papalapit na sa akin, na sinubukan sigurong magpreno dahil gumegewang gewang ito

Na ipikit ko na lang ang mga mata ko

'Siguro ito na ang pagkakataon para makita ko si, Jaspher.... Baka napapraning na talaga ako at, naniniwalang sya iyon ang kumakanta...... '

You pull me close, guiding me home

Tumulo na lang ang mga luha ko habang inaantay na tuluyan akong mabunggo. Pero mas lalo akong nabigla ng may mabilis at buong lakas na humila sa akin papalayo sa kalsada tuloy ay pareho kaming natumba sa isang tabi

Nasalubong ko ang galit na galit niyang mukha, habang ako ay natigilan naman na may kung ano akong naramdman na panlulumo. Di na namin napansin ang pag alis ng van na iyon

"What the f*ck are you doin', dude!" galit na ani Dave na bumangon sa pagkakatumba niya

'Akala ko pa naman si Jaspher ang humila sakin'

Tumayo na ako saka pinagpag ang sarili "I heard Jaspher..... I heard her, singing" diretso kong sabi, sa tono ko ay parang ganon na lang ako ka desperadong tao ngayon

Nagsalubong lalo ang mga kilay niya "What are you talking about, Alex?.... Nakainom ka na ba ng gamot mo?" nagsalubong ang mga kilay kong tinignan sya, sa dating kase ng pagkakatanong niya ay parang baliw na talaga ako sa paningin niya

"Just shut the f*ck up and listen!" galit ko ring sabi na ikinatigil nito, nanahimik naman sya

And I need you to know that we're fallin' so fast

We're fallin' like the stars, fallin' in love

And I'm not scared to say those words with you, I'm safe

We're fallin' like the stars, we're fallin' in.... love


Nangunot ang nuo niya at natigilan naman akong nanlaki ang mga mata ng ibang boses na ang naririnig ko ngayon at boses lalaki na talaga, di pamilyar sakin

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon