Chapter 187

666 41 3
                                    

Herbie's POV

Tahimik kaming kumakain sa hapag kainan. Gaya ng dati ay sabay sabay kaming kumain habang nakatayo lang ang mga servants at guards na paikot sa amin at nakapila ng maayos. May iilang guards na naka bantay sa may malaking pintong labasan nitong palasyo.

Kahit masasarap ang ulam at inaasikaso ako ni Gab ay di ko maiwasang sumulyap sa mga bakanteng mga upuan dito. Inilipat ko ang tingin sa may mahaba at kulay gintong hagdanan dito na kakalula sa kahabaan at may carpet na wala ring kaseng haba dito sa floor.

Inaantay ko na may bumabang Alex doon. Siya lang kase ang wala dito na ipinagtaka namin kanina lalo na ng mabalitaan naming naglock daw ito sa kwarto according to his servants here.

I cleared my throat to break the silence. Some of them looked at me, except Zia. She was busy eating in a serious way as if she doesn't want to be disturbed, at baka ikaw pa ang kainin niya na parang nakakalokang tigre.

Nilakasan ko pa ulit ang pagpekeng ubo ko at tumikhim dahilan para tuluyan na siyang mapatingin sa akin, pero ngumunguya parin ang lola niyo. Binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

"Zia... Can I ask?"

Uminom muna siya ng tubig at nagpunas ng labi gamit ang napkin bago muling tumingin sakin.

"You're already asking" nanlumo ako bigla sa pagkapilosopo niya. Di ko kase alam kung nagbibiro ba siya sa pagkaseryoso ng mukha niya.

Muli niyang pinagpatuloy ang pagkain niya.

Napakamot na lang ako sa batok "I'll just gonna ask if you know what happened to Alex? Bakit di siya sumabay ngayon sa pagkain?" nag-iingat ako sa bawat salita ko, baka kase sa isang mali ko lang nasabi ay magtransform ito bigla at maging demonyong tigre.

"Ewan" tipid niyang sabi, ang tingin ay nasa pagkain lang, medyo kinabahan ako dahil parang nag-iba bigla ang simoy ng hangin, amoy tae----este, smells something fishy, pansin ko kaseng nawala bigla ang gana niyang kumain.

Magtatanong pa sana ulit ako ng unahan niya akong magsalita "Kailan niyo pala planong bumalik sa Pinas?" diretsahan niyang tanong. Sa tono niya ay parang pinapaalis niya na kami.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Parang mas lalo kaming nawiwirduhan ni Zia ngayong araw. Her face seems so very emotionless, her eyes become colder than before. It's... empty. Blanko.

"Ahm.. We'll ask Alex about that, di rin kami magtatagal because we also have works" si Klyde na ang sumagot matapos ang saglit na katahimikan.

Tumango lang si Zia at wala ng sinabi. Hindi ko na siya muling narinig na nagsalita pa hanggang sa matapos kaming kumain at basta na lang siya umalis.

Nasa harap kami ngayon sa pinto ng kwarto ni Alex dito. Kinakatok na ito ni Mike at Dave, kinakausap mula dito sa labas pero wala ni isang tugon ang narinig namin. Napakatahimik sa loob kaya nababahala na kaming magkakaibigan kung napano na siya doon sa loob.

"Bullsh*t. Can you just open the f*cking door?!" nauubusan na ng pasensya na ani Mike, napapalakas na ang pagkatok. Mabuti't wala kaming kasamang servants at body guards ngayon, palihim kase kaming pumuslit kung saan.

Magsasalita na sana si Ken nang mapatingin kaming lahat sa mga yapak na dumating. Si Zia na napahinto sa paglalakad, kasama niya na naman ang mga sangkatutak na mga gwardya at ang matandang lalaking nagbabantay noon sa bilyaran, hanggng ngayon di ko pa rin alam ang pangalan.

Pansin kong di nila hilig magbanggit ng mga pangalan sa bawat sinasabi nila. Maliban kay Zia pero madalang lang naman magbanggit ng pangalan.

Tinignan niya lang kami pati ng mga kasamahan niya. Ibinaling niya muli ang tingin sa nilalakaran niya bago aakmang aalis na, hindi man lang nagtanong kung anong ginagawa namin dito at kung bakit wala kaming kasamang mga servants namin.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now