Chapter 190

774 34 9
                                    


A/N: kung nagtataka kayo kung bakit paiba iba ang pangalan ng point of view nitong bida, isa lang ang sagot d'yan. S. E. C. R. E. T, malalaman n'yo rin sa huli.

(- -,)

Krist's POV

"T*NGINA! ANO BA! IBABA MO SABI AKO!" pagpupumiglas ko at buong lakas kong sigaw sa pagkakabuhat niya sa akin, malalaki ang hakbang papalayo sa mga kasama ko kanina.

Parang sako n'ya ako kung buhatin na mas ikinaiinis ko lalo dahil malapit lang naman ang mukha n'ya sa pang-upo ko.

Pinapalo palo ko ang likod n'ya maibaba n'ya lang ako pero ang g*go, tuloy pa rin sa pagkidnap sakin!

Kung lalaban ako ay baka pareho kaming matumba. Ganon na lang kahigpit ang pagkakahawak n'ya sakin, nag-iingat na baka mahulog ako sa pagpupumiglas ko.

"TUKMOL! ANO BA! SINABING IBABA MO AK——————" di ko na natuloy ang aking sasabihin ng tuluyan s'yang huminto sa paglalakad at napapikit ako sa inis ng lumingon pa s'ya dahilan para dumikit ang pisngi niya sa gilid ng pang-upo ko.

"What did you just call me again?" pagtatanong pa nito na prang balak n'ya akong paulitin sa tinawag ko sa kan'ya.

"T*ngina naman kase! Sinabing ibaba mo ako!" reklamo ko pa na subukan s'yang lingunin.

Walang kasing sama ang tingin ko sa kan'ya at nagpipigil na sapakin ang nakakainis na pagmumukhang 'to.

"I'll list down that, that would be plus two" nangunot pa ang nuo ko sa pagkakasalubong ng kilay dahil sa sinabi n'ya.

"Pinagsasabi mo?" asik ko pa.

Doon pa lang ako nakahinga ng maayos ng maingat n'ya akong ibinaba na.

Nasa likod lang kami nitong palasyo at kita ko ang malaking fountain mula dito sa pwesto naming napapaligiran ng mga bulaklak at dahon.

Mabuti't kami lang ang dalawa dito dahil kung hindi, kwesyunable talaga ang biglaan n'yang pagnakaw sakin.

'Wala naman sigurong nakakita sa kan'ya di ba?'

Ganon na lang kasama ang pagkakatingala ko ng tingin sa kanya, salubong na salubong ang mga kilay na halos magkarugtong nang nakatingin sa kanya.

"You cursed, Baby"

Lumitaw ang pilyo ngunit mapang-akit n'yang pagkangisi sakin, pumantay pa s'ya sakin matapos sabihin ang huli n'yang sinabi. Di ako nakaimik dahil parang natunaw bigla ang puso ko ng ngayon ko na lang muli narinig na tinawag n'ya akong ganon.

(>^<)

Natigilan ako at gusto kong mainis lalo dahil di ko alam kung anong una kong sasabihin. Di ko rin alam ang sasabihin nang maalala na naman muli ang nangyari kagabi! Naalala ko rin kung ilang beses akong nagmura sa harap n'ya sa halo halong emosyon kagabi.

Di talaga ako nakatulog kagabi pagkatapos ng nangyari. Paulit ulit sumasagi sa isip ko at sa sobrang pagkapahiya na wala talaga akong saplot nang gawin n'ya sakin yun!

"I miss you calling me like that" may ngiti sa labi n'yang ani habang nakatingin ng diretso sa nandidilim kong mga mata.

Ang mas nakakainis pa ay ang t*nginang pagsinok ko na 'to, tuloy ay napaiwas ako ng tingin na ikinarinig ko ng pahina n'yang pagtawa habang nasa akin parin ang tingin.

Di ko alam na gan'yan na pala kababa ang kalugayahan n'ya na sa lahat ng tinatawag na tukmol s'ya lang ang tuwang tuwa. 'Di yata alam ang ibigsabihin ng salitang 'yon.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon