Chapter 150

1.1K 88 6
                                    

Cindy's POV

Everyone is busy. Napakatoxic kase ng araw na ito, ang daming pasyente. Hinubad ko na ang gloves na suot ko bago naghugas ng maigi ng kamay, katatapos lang kase naming mag-opera sa pasyenteng natusukan ng tubo dahil sa car accident. Successful naman ang operation.

Matapos maghugas at magpatuyo ng kamay ay napahawak ako sa likod kong nananakit. Laging ganito sa work, minsan ay nakakalimutan ko ng kumain at kulang sa tulog, lagi ring pagod.

"Ang toxic ng araw na to Doc Briones noh?" ani ng kapwa ko doktor na kasama sa operation habang naghuhugas ng mga kamay

Tumango lang ako, bago napabuntong hininga sa pagod "Bat parang ang tahimik mo sa araw na to Doc?" ani pa nito

"Nothing. Just don't mind me" tugon ko na lang bago kami nagtanguan sa isa't isa at na-isipan kong umalis na para makapagpalit na

Pati sa pagpapalit ko ay di ko maiwasang matulala at bigla ko na namang naalala ang ginawang paghalik sa akin ni Klyde. Napapikit ako ng mariin habang napapa-iling iling, sinusubukang alisin yun sa isip ko

'B*tch stop thinking about him! Maybe he just did that because.... because.... Because he's just playing games with you, tulad ng mga babae niya.... Kaya b*tch wag kang magpapadala sa halik na yun! Because it's nothing.... Wala lang yun.... Parang di ka naman nahalikan ng ibang lalaki noon b*tch... And one more thing Cindy b*tch, si Tine lang ang sineryoso niya'

N/A : sa mga nakalimot na kung sino si Tine, yun po yung tawag ni Cindy kay Krist

Overtime kami ngayon sa work kaya matagal bago ako makaka out. Lumipas ang ilang oras ay maayos naman ang pagtatrabaho at pag aasikaso ko sa mga pasyente kahit para panay ang pagtulala ko, may pagkakataon namang nagkakamali ako sa mga sinasabi sa pasyente at nagkakamali din sa room na pinapasukan when it comes in roaming.

Naka-out na rin ako sa wakas sa work, i just combed my hair first, put some little make up and perfume before i finally go out. Syempre kahit stress sa work, di mawawala sakin ang pagiging maganda, of course.

Nagpaalam na sa mga katrabaho dito ang ibang surgeon, resident doctors at iba pang mga senior doctors nung shift na nila.

Naglalakad ako ngayon sa Parking lot papunta sa kotse ko. Natatanaw ko na ang kotse ko na tumunod iyon ng ilabas ko ang susi na may pinindot doon, papalapit na ako ng matigilan ako at nagulat ng may bumusinang kotse sa bandang gilid ko

"Omy!" bahagya pa akong napatili sa gulat na akala ko ay mabubundol ako yun pala ay nakapwesto lang ito doon

Tinted ang mga salamit ng kotse niya kaya di ko nakikita kung sino ang nasa loob nun, pero napakunot ang nuo ko kasabay ng pagkabog ng mabilis ng puso ko ng mamukhaan kung sino ang nagmamay ari ng kotse na ito

Bumukas na ang pinto sa drivers seat na bumaba na ang sya, nagtama ang aming paningin bago niya ako nginitian. Di na maawat ang pagkabog ng mabilis ng puso ko habang sya ay papalapit sakin, para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

'D*mn Cindy, calm down!'

"Hey, I'm sorry did i surprised you?" Klyde said. I did not say a single word, i just look at him in the eyes "Ahm.... Good evening" dagdag pa niya "For you" sabay abot nung kumpol ng red roses sakin, i just looked at it

Napairap ako sa kawalan "There's no good in evening" pagmamaldita ko

He just smirked at me "There will be good when you come with me tonight" lalong nangunot ang nuo ko na matalas syang tinignan sa sinabi niya na ikinangisi pa nito ng pilyo sakin

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now