Chapter 170

822 50 1
                                    

Alex's POV

Nagkatinginan kaming tatlo sa walang pasabing pag-alis niya, sa tingin na yun ay parang naguusap at nagkakasundo na kami. Hinintay pa naming mapalayo sya ng kaunti hanggang sa napagdesisyunan naming sundan ito ng palihim

Ganon na lang kabilis ang tibok ng puso ko habang sinusundan namin ito, baka isipan pa kase kami ng masama sa pagsunod nito lalo na't... Hindi niya kami kilala

Otomatiko kaming tumigil sa paglalakad at nagkunwareng may kanya kanyang ginagawa ng huminto ito sa paglalakad matapos maubos ang burger niya na puno pa ang bibig.

Mabilis kong kinuha ang phone na bahagyang patagilid na tumalikod sa gawi niya para magkunware, si Dave naman ay kunware pang may kinakawayan sa di kalayuan habang si Mike ay kunware namang may iniisip habang nakatingin sa taas. Ngayon lang kami gumawa ng ganitong kahihiyan at di namin alam kung saang lupalot ng mundo nakuha namin ang lakas ng loob na sundan sya

Pasimple akong sumulyap sa gawi niya at nakahinga ng maluwag nang itinapon niya lang pala ang balat ng burger na kinakain niya kanina sa basuraan, nasa di kalayuan bago sya naglakad muli kaya siniko ko si Dave na katabi ko bago niya rin sinenyasan si Mike and there, it was hilarious that we look like a rapist following our victim.

Napapatingin samin ang mga napapadaan dahil daig pa namin ang mga langgan na nakapila habang naglalakad

We stunned for a moment when she stopped walking again, nagkabunguan pa kaming tatlo sa pagkataranta dahil nangunguna ako sa paglalakad. Naka hinga ulit ng maluwag ng lumiko lang pala ito at kung di ako nagkakamali papunta itong offices ng mga doctors gaya ni Dad

Nagpatuloy kami sa pagsunod at sinabihan ko sila na umakto ng natural kaya naalis na ang pagkakapila namin habang naglalakad, nang pagkaliko namin ay eksaktong nakita namin syang pumasok mismo sa office ni Dad ng di kumakatok at nagsalita lang mula sa labas bago sya tuluyang pumasok

Wala kaming inaksaya na oras at mabilis ng naglakad papunta doon para rin marinig ang pinag-uusapan nila, di na naman maiwasan ang mga napapasulyap samin lalo na't para na naman kaming ewan dito habang nakadikit ang mga tenga sa pinto ng office ni Dad kaya siksikan kami

Parang mga chismosang kapitbahay

"Oh, you're here" rinig kong ani Dad, nagkatinginan pa kami ni Mike na kaharap ko dahil nasa likod ko si Dave

"Bana mesaj atan biri yüzünden buradayım" (I'm just here because of someone who texted me) napabuntong hininga niyang ani na hindi namin naintindihan kaya mas lalo pa naming idinikit ang mga tenga namin sa pinto para marinig ang pinaguusapan nila

"Dp ne demek istiyorsun? Size mesaj göndermedim Majesteleri" (What do you mean? I did not message you, Your Highness) ani naman ni Dad, gusto kong humanga dahil sa accent niya ay parang bihasa sya sa lengwaheng yun habang nakikipag-usap

"Sen değilsin, onlar" (It's not you, it's them) di ko man nakikita mula sa loon ay alam kong medyo malapit sya sa pintuan

'What are they talking about? Di ba sila pwedeng magusap kahit English man lang?'

"Onlar?.. Kim?" (Them?.. Who?) rinig kong ani Dad, di ko man naintindihan ay mahihimigang nagtataka si Dad sa pinagsasabi niya

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nagkatinginan kaming tatlo ng tumahimik bigla sa loob, pinaguusapan na kami ng ilan sa mga napapadaan dito at napapatingin samin pero tuloy parin kami at dinikit muli ang mga tenga

"Baka/F*ck/Holy!——————"

Mayamaya pa ay sabay sabay kaming tatlo na nagulat at muntikan pang masubsob kung saan sa pagkakasandal sa pinto ng biglaan itong bumukas

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon