Chapter 201

665 24 5
                                    

Dave's POV

We're all excited to be back in the Philippines. Kabababa lang namin dito sa sariling eroplano ni Krist at sinalubong kami ng ilan sa mga trabahante at mga magulang namin.

Hindi kase sumama ang parents ko sa pagpropose ni Alex doon sa bansang Turkey.

Kaming lahat ay nagsisiyahan dito sa selebrasyon para kela Alex at Krist pero bago pa man maganap ang en grandeng selebarsyon na ito ay pinaalalahanan sa amin ni Krist na manatiling pribado ito.

Kahit kailan talaga, pinapanatili n'yang maging misteryoso ang lahat ng bagay.

Lumipas ang ilang araw ay may sari-sarili na naman kaming mga ginagawa at inatupag maghapon ang mga napag-iwanang paper works namin nitong mga nakalipas na araw.

I'm at the coffee shop right now. Katatapos lang ng work. I'm having some hot coffee. Just relaxing.

I was busy reading a book when someone caught my attention outside  this coffee shop which caused me to stop reading and drinking coffee.

I saw a familiar woman. Napasunod ako ng tingin.

Mukhang nagsisisigaw ito habang mabilis na hinahabol ang isang tao na may takip ang mukha at kung hindi akong magkakamali, lalaki ang hinahabol n'ya.

'Is that... Macy?.. Nasa Pilipinas rin s'ya?... baka namamalikmata lang ako?'

Hindi ko masyadong marinig ang sinisigaw n'ya pero base sa sitwasyon ay para itong naghahabol ng isang magnanakaw. Nakita ko kaseng may hawak na bag ang lalaking hinahabol n'ya.

Napaawang ang labi ko nang makita kung gaano s'ya kabilis na lumingon kung saan at hindi nagdalawang isip na tumalon doon sa pader na nilingon n'ya bago patalon na sinipa ang pader na naging dahilan ng paglipad n'ya at tuluyang nakapasan sa lalaking hinahabol n'ya.

'Holy... moly.. Si Macy ba talaga 'to?'

Nahinto ito sa pagtakbo at nagpupumiglas ngayon matapos n'yang bumaba agad, hawakan ng mahigpit ang mga braso nito. Pilit n'yang inaagaw ang bag.

Ang lakas ng loob!

Hindi halata sa inosente n'yang mukha na may lakas s'ya ng loob para habulin ang isang magnanakaw. Ni hindi man lang maisip na posibleng may hawak itong patalim.

Ang mga tao ay napapalayo at napapatingin sa gawi nila.

Kinuha ko ang phone ko bago kaagad tumawag ng pulis.

Nasabi ko na sa pulis na nakausap ko ang nangyayari ngayon sa labas ngunit nahinto ako nang mapalingon ako muli sa labas at ikinatigil ko nang makitang may nilabas na patalim ang lalaking kaagawan n'ya ng bag.

Hindi ko namalayang napatayo na pala ako sa kinauupuan, nagbaba ng bayad sa table, hindi ko alam kung ilang libo ang nalapag ko para pambayad ng kape sa kakamadali.

Narinig ko pang may tumawag sa akin na waiter siguro bago ako tuluyang makalabas sa coffee shop. Lumingon lingon sa paligid para sa pagtawid at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit lumakas ang loob kong makisali para tulungan si Macy even if it's dangerous.

"Hey!" pasigaw kong ani at ngayon pa lang ako nagdadalawang isip ngayon kung lalapit na ba o kukuha muna ng timing.

Hindi talaga ako sanay sa ganitong mga pangyayari. Hindi ako napansin nila sa ingay dito dahil pati ang mga tao sa paligid ay nagkakagulo rin kung paano huliin ang lalaki.

Kung kami mismo ay natatakot na masaksak, si Macy naman ay mukhang walang ibang inisip kun'di mabawi lang ang bag n'ya na pinagagalitan pa n'ya ito habang pinalo palo at iniiwasan ang kutsilyo.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now