Chapter 180

820 37 1
                                    

Mike's POV

Naimulat ko ang mga mata ko sa pagkakatulog ng may umalog sa braso ko at marahan akong tinapik sa balikat habang tinatawag ang pangalan ko

"Mike. Dude wake up, we're here" gising sakin ni Ranz

Nang tuluyan ko ng maimulat ang mukha ko ay mukha niya agad ang nasalubong ko at ang lapit ng mukha niya sakin kaya mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko na ikinangisi ng g*go

"Do you want evening kiss baby Mikey————" hinabaan niya pa ang nguso niya na aakmang hahalikan ako ng magsalita ako

"F*ck off!" bulyaw ko sa kanya sabay tulak ng mukha niya dahilan para tuluyan syang mapalayo sakin ang iba ay natawa habang inaayos ang mga sarili

Doon ko lang naalala na wala pala kaming dalang mga gamit o kahit mga damit man lang

'What the———anong susuotin namin?! May hotel naman siguro dito. Di bale bibili na lang ng masusuot'

Nailibot ko ang paningin "Where's Zia?" tanong ko bago tumayo na at inayos ang sarili

"Bumaba na. Susunod na sana kami pero di daw pwede, may magsusundo daw satin dito" si Dave ang sumagot

"I think they're here" napatingin kami kay Alex ng magsalita ito habang nakatingin sa kung saan sa labas

Ilang sandali pa ay may pumasok na isang lalaki, naiiba sa sout ng mga body guards ni Zia pero pormal naman ang suot niya

Nagkatinginan pa kami ng yumuko ito samin na para bang nagbibigay ng galang sa ganoong paraan tulad ng mga guards ni Zia sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ang taas kong tao.

"Good evening Ladies and Gentlemen welcome to Istanbul Airport!" masigla niyang ani sa amin habang nakangiti, hindi naman sya mukhang wirdo di kagaya ng mga guards at stewardess kanina

"Istanbul what?" nagtatakang tanong ni Herbie

"Where is this place? What country is this?..Where the hell are we?" pagsingit na sunod sunod na tanong ni Klyde

Mukhang nagtataka sa amin ang lalaki dahil sino ba naman ang di magtataka sa mga tanong nila kung pasahero kami ng isang flight pero di alam kung saang lugar ka naka assign na papunta. Lalo na't pag aari ni Zia ang plane na 'to

"Ah.. You're here in the main international Airport of Turkey" nagtataka man ay sinagot niya naman ang tanong

"Turkey?! Wait did you just say Turkey?" nagugulat na ani Ranz

'Kaya pala ang haba ng flight dahil nasa Turkey kami!'

Napatingin ako sa oras ng relo ko, 10 pm ang nasa relo ko pero pansin ko sa labas ay papalubog pa lang ang araw, siguro dahil iba ang time zone dito.

"What the heck. Mommy's gonna get mad at me! Akala ko pa naman malapit lang pupuntahan namin" nginiwian namin sya dahil yun lang pala ang pinoproblema niya

"Pero nagpaalam ka sa parents mo right? Kanina?" ani Ken sa kanya

Tumango naman si Ranz "Yes. But I told them na malapit lang ang pupuntahan natin!" problemado niyang sabi

Hanggang ngayon ay napakastrict at Mommy's boy parin sya, di ko masisisi ang parents niya dahil nag aalala lang siguro sila na baka biglang bumalik ang sakit ni Ranz sa puso noon at baka kung mapano pa. Knock on the wood.

"Pshh. Di ka na sana sumama" kunot nuong ani Alex

"I'm not kill joy. Dude, bakit di ako sasama?"

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt