Chapter 202

680 25 0
                                    

Alex's POV

I texted her. I asked her if where is she right now before she replied that she's in our hospital.

Akala ko kung napano na s'ya dahil hindi pa s'ya nagrereply ngayon nang tanungin ko kung bakit s'ya nasa ospital namin.

Because of that, I decided to go there to check her.

I tried to call her when I got here to the hospital but her phone is off.

"What the f*ck?.." inis kong baling sa phone.

Wala naman kase s'yang sinabi na bibisita o may gagawin s'ya dito sa hospital kaya kung ano-ano na ang naiisip ko. Pero iba naman ang nararamdaman ko, pakiramdam ko nasa maayos lang s'ya.

Gusto ko pa rin makasigurado kaya naisipan kong magtatanong na sana sa nurse kung nasaang room s'ya sa pag-aakalang pasyente s'ya dito pero natigil ako nang makita ang presensya n'ya sa 'di kalayuan.

Nakagown na pang doktor habang nakapamulsa ang mga kamay. She's also wearing a color dark brown wig and contact lenses na hindi halatang nakasuot s'ya.

That's because, she needs to hide her identity hanggang ngayon, ganon na lang ang paghanga ko dahil hanggang ngayon pinapanatili n'yang maging misteryoso para malayuan ang panganib at ganon na lang s'ya kagaling magtago para umabot ng taon bago ko s'ya makita muli kung hindi lang dahil kay Dad.

Kausap n'ya ang mga senior doctors at kasama na doon si Dad na mukhang close na naman sila tignan.

Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit ganyan sila ka close kumpara sa akin na tunay n anak ni Dad matapos naming magkwentuhan. I'm happy for that, para na kase kaming isang pamilya.

"Baby!" pag-aagaw atensyon kong tawag dito dahilan para hindi lang s'ya ang mapalingon kundi pati ang mga nakarinig sa pagtawag ko.

Hindi ako ngumiti sa kan'ya, nagkukunwaring nagtatampo na seryoso ang mukhang naglakad papalapit.

Nilingon n'ya muna ang mga doktor na kausap n'ya na mukhang nagpaalam bago rin kalmadong naglakad papalapit sa akin.

Kita kong napapalingon kay Dad ang mga doktor na kasama nila at napapatingin rin sa aming dalawa ni Jaspher.

Nagtataka siguro sa tawag ko kay Jaspher lalo pa't kilala ako dito sa ospital namin.

"Ginagawa mo dito?" salubong n'ya agad sa akin na nakakunot ang nuo.

'Bakit ganyan agad sinabi n'ya? Hindi ba muna ako babatiin? Ang sweet?'

"Pshh. You're not answering my calls and you also did not reply to my messages.." nakasimangot ko pang ani na ikinataas ng parehong kilay n'ya bago may kinalkal sa bulsa n'ya.

Nilabas n'ya ang phone n'ya at sinubukang sindiin iyon pero ayaw sumindi ng screen bago kami nagkatinginan.

"Low bat" tipid n'yang sabi.

"Pshh. Hindi mo ba na charge kanina?" mahinahon ko lang na ani na kami lang ang makakarinig pero nakasimangot pa rin ang itsura.

"Hindi ko napansin" aniya.

Napalabi ako sa kawalan.

"Paano kung emergency? Hindi mo pa rin papansinin?" I crossed my arm.

She heaved a deep sigh.

"Ano bang sadya mo dito?" pag-iiba n'ya.

"Oiy, 'wag mo ibahin ang usapan" nangungunot ng nuo kong sabi.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now