Chapter 206

673 29 0
                                    

Mike's POV

Pinaplano ko sanang bumisita dito sa mansion nila Alex, nakakamiss kaseng makisabay sa breakfast. Ginagawa namin ito noon nung mga bata pa kami, sabay sabay kaming inaayang kumain ni Nay.

Kabababa ko pa lang ng kotse matapos makapasok sa malaking gate ng mansion nang matigilan akong napatingin agad kay Alex.

Mabilis siyang nagtatatakbo na parang hinahabol ng asong ulol, pawisan pero panay pa rin ang pagtakbo. Naka gray sando lamang siya, pants at sports shoes. Pang exercise ang outfit.

Kunot nuo akong sinusundan lang siya ng tingin hanggang sa umabot s'ya sa dulo ng mansion at kaagad patakbong lumiko dahilan upang maglaho na s'ya sa paningin ko. Ni hindi man lang ako napansin.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nagtatakang napapaisip na wala namang humahabol sa kan'ya.

'What the freaking hell is he up to?... Himala?... Ngayon lang naisipang mag-exercise ulit?'

Magmula nung magsuffer siya sa depression noon ay nawalan na siya ng ganang mag work out o kung ano ano pang healthy na mga gawain, pero ngayon, parang may kaaway sa pagtakbo ng mabilis.

Nilingon ko ang ilang mga napapadaang kasambahay dito.

"Ahm excuse me... What the f*ck is wrong with him?" tanong ko sa isang kasambahay na napadaan lang, sa pagtatanong ko ay parang nasa tono kong nasisiraan na ng bait si Alex.

Napataas lang ang dalawang kilay ko sa pagtataka nang mahinang natawa ang babaeng kasambahay habang napalingon kay Alex na sumulpot na naman, pabalik sa kung saan ko rin siyang nakitang direksyo na nagtatatakbo kanina. Parang iniikot ang buong kalawakan nitong mansion nila.

'Look at him... Sumisigaw sigaw pa!'

Ngumingisi ngisi pa kase siya habang nagsisisigaw na "Bir! İki! Üç!" (One! Two! Three!) aniya na hindi ko alam ang pinagsasabi.

d[o_

"Dört! Beş!" (Four! Five!) dagdag pa nito.

_o]b

Napapasunod lang kami ng tingin sa kan'ya.

'Now he's speaking alien words... On what planet did he learn that? Sa Mars ba?'

Nilingon ko ang kasambahay at nagkibit balikat lang ito sa akin. Mukhang walang kaalam alam kung napano na ang Amo niya.

Umalis na ito bago ako napapabuntong hininga sinundan kung saan banda naglaho na naman si Alex.

"Kulang pa! Bilisan mo!" sa hindi kalayuan habang hinahanap si Alex ay narinig ko ang boses ni Krist.

Ganon na lang ang pagkatigil ko habang pinapanood ang dalawa.

Nasa likod ang parehong kamay ni Krist habang seryosong sinusundan ng tingin si Alex na parang nakikipagkarera sa pagtakbo.

'Anong trip ng mga 'to? Ganyan ba talaga sila magkasundo sa kasal nilang dalawa?'

"Isang ikot pa!" pasigaw na utos ni Krist kay Alex upang marinig siya nito sa layo ng agwat nila.

"Ok!" mabilis na pagpayag ni Alex at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

'What the heck is wrong with this two?'

Ilang sandali pa ay huminto na sa kakatakbo si Alex at napatingin si Krist sa hawak niya stopwatch. Mukhang ino-orasan niya ang bilis sa pagtakbo ni Alex habang nilalagok na nito ang isang bote ng tubig, pinaligo pa nito sa sarili lali na't pawisan na rin naman si Alex.

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora