Chapter 175

743 39 7
                                    

Dave's POV

Kaming lahat ay nabigla sa tanong ni Zia, napamaang. Ganon na lang din ang pagtataka ko ng napahawak muli sya sa kanyang ulo. Para bang sumasakit ito

Lalapit na sana ako para alalayan sya ng sabay sabay akong tinignan ng mga body guards niya, sa tingin pa lang ay mukhang binabalaan na akong lumapit

"Sumasakit ba ulo mo or nahihilo?" tanong ni Calix, di sumagot si Zia at sa kawalan lang ang tingin, parang  malalim ang iniisip

"Babe! Cindy come here for a moment please!" pagtawag ni Klyde kay Cindy

"Yes, wait, b*tch!" tugon ni Cindy, para bang napipilitan pang lumapit dahil naisturbo sya "What?" kunot nuong aniya kay Klyde

"Can you check Zia please... I think she's having a headache again" di na nagpaligoy ligoy pa si Cindy at lumapit naman ito kay Zia

Konti na lang ang layo nila ng harangan sya ng isang guard. Pinagbabawalan na lumapit kay Zia

'Bakit ba napakastrikto nila kung hahawakan man si Zia?'

"I'm fine..." tipid na ani Zia at sinenyasan niya ang guard niya na umalis sa pagkakaharang

Tumingin sya sa isa niyang guard na mukhang head sa mga ito, yung kaninang humarang

"Hepimiz için doğru miktarda yiyecek satın alın" (Buy the right amount of food for us all) pagkausap niya dito

Tumango naman ito bago kinausap ang mga kasamahan niyang kapwa gwardya. Umalis ang tatlo sa kanila habang ang kinausap ni Zia at ang isa pang natira ay nanatiling bantay niya

"What did you told them?" tanong ni Alex, tinignan sya ni Zia

Di sya agad sumagot at kita ko ang pagsulyap niya sa hawak na frame ni Mike bago muling tumingin kay Alex "May mga binili na ba kayong makakain?" di niya sinagot ang tanong nito sa halip ay tinanong niya naman pabalik

"We'll order later... Di na kase kakasya sa bitbit namin kung magbabaon pa kami" ako ang sumagot

"No need" aniya "Nagpabili na ako" dagdag pa niya

Medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil akala ko ay magsusungit na naman ito, kahit di tumulong sa paglilinis ay naintidihan naman namin kase ganon nga kahihigpit ang mga guard na kasakasama niya ngayon, ano pa kaya kung si Krist ito na may mahinang baga
.
.
.
.
.

"Whoah..." sabay sabay nilang sabi na ang ilan sa amin habang namamangha sa dami ng binili ng mga body guards niya

Ang mga sangkatutak na pagkain ay nakalapag na rito sa hapin sa sahig. Tapos na kase kaming maglinis na inabot ng gabi, nakaligo na rin kaming lahat gamit lang ang isang banyo rito

A/N: Woi baka isipin niyo sa isang banyo sila sabay na naligo ah, di ganon mga dude syempre isa isa, naninigurado lang (-.-)

Zia look us with a boring look, she stopped typing on her loptop. May ginagawa kase sya sa loptop niya ngayon na mukhang busy at napapatungkol sa trabaho niya, sa isang sulok lang sya nakaupo habang ang tatlo niyang guards ay katatapos lang hinanda at isa isang inayos sa paglapag ang mga pagkain bago sila lumabas.

Naiwan ang dalawang guards niya rito sa loob na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto kung saan nagbabantay rin ang tatlong guards mula sa labas. Ganon sila ka seryoso

Sa tuwing uutusan o magbibigay galang muna sila kay Zia lalo na sa amin ay pakiramdam ko napakataas kong tao. Nabigla pa nga kami ng mag bow rin sila sa harap namin matapos ihanda ang mga pagkain kanina, nagmukha tuloy kaming mga ignorante kahit ilang guards sa mall na rin ang gumagawa nun sa amin

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now