Chapter 169

816 44 1
                                    

Mike's POV

Naglalakad na ako ngayon papunta dito sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Alex. Isa ito sa napagplanuhan namin nung gabing yun. Balak kong bisitahin ang Dad niya

Si Cindy ay nasa medical mission niya na ngayon at habang busy ang ilan, kaming may mga free time sa work ang gumagawa ng paraan para magawa ang plano namin, para ito kay Zia na kamukha ni Krist

Yayayain ko si Uncle Xander na mag lunch at hahanap ng paraan makapayag lang sya, para makuha ang loob niya dahil malabong si Alex ang makakagawa sa part ng plano na to dahil nga may di sila pagkakasundong mag-Ama

Nagtanong pa ako sa isang intern doctor siguro na napadaan kung nasaan si Uncle at nasabi niyang nasa office niya ito huling nakita.

Nakalabas na ako sa elevator at papunta na ako ngayon sa office niya. Nasa harap na ako ng pinto nang marinig ko ang boses ni Uncle, may kausap sigurong patient

"We need to conduct a test first, maraming pwedeng dahilan kung bakit nanginginig ang kamay mo" rinig kong ani Uncle

Nag-usap pa sila ng nag-usap tungkol siguro sa kondisyon ng pasente habang ako dito naghihintay sa labas ng office, nakasandal sa pader malapit sa gilid ng pinto kaya napapatingin ang ibang pasyente, nurses at iba pang doctors na mga babae

Hanggang sa bumukas na ang pintuan at isang mas bata pa sakin tignan na lalaki ang lumabas doon agad kong napansin ang panginginig ng kamay nito na nagtama lang ang aming paningin bago ito umalis

Kumatok muna ako sa pinto, narinig ko ang tugon niya bago pumasok doon. Sumilip ako ng kaunti kung anong ginagawa niya and then I saw him typing on keyboard, abala kaharap ang computer. All papers are scattered on his table

Napatingin sya sa tuluyan kong pagpasok bago ko sinara ang pinto "Oh, Mike. Napadalaw ka? Magpapacheck up ka ba?" nakangiting pabiro pang ani Uncle

Nginitian ko naman sya na bahagyang natawa sabay iling. Dapat magmukha lang akong natural at di halatang may sadya talaga dito "No Uncle I just want to ask you for a lunch.. If ok lang?" di maitatago sa tono ko ang kaba

"Why so sudden?" aniya na sinenyasan pa akong maupo at ginawa ko naman yun

"Well... Mangungumusta lang... and about na rin kay Alex.. Ang tigas kase ng ulo niya.. Pinapabayaan ang sarili" pagdadahilan ko pa, parte ng plano

Kita ko na parang nawiwirduhan sya bigla sakin. Ngayon ko lang kase sya inaya maglunch. Si Ranz sana ang gagawa nito kaso may emergency syang fashion show ngayon at sunod sunod na photoshot projects ang dumating kaya napilitan akong ako na lang ang gagawa nito

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng bumuntong hininga sya

"Ahm... Lunch?" di ko na alam ang sasabihin kaya yun na lang ang nasabi ko

Napatango naman sya "That's sounds delightful" pagpayag niya na ikinangiti ko

"Really uncle? Baka nakakaisturbo ako.. you look so busy.."

"Don't worry i can handle it.. Wala rin namang emergency cases kaya we can have lunch together"

Mayamaya pa ay nagpaalam muna syang lumabas para mag restroom muna at ganon na lang ang saya ko ng iwan niya ang phone nito kaya wala akong inaksaya na oras mabilis agad nilapitan ang phone nito, pag bukas ko ng screen ay kailangan ng finger print niya kaya namomoblema ako ngayon at natataranta na nagpapalitan ang tingin sa pinto, baka bigla syang pumasok

Nabaling ang tingin ko sa mouse na hawak nito kanina, may nakita akong finger print nya doon sa liwanag dito eksakto ring may scotch tape ako agad na nakita at may pumasok na idea sa utak ko

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now