Chapter 167

796 51 9
                                    

Dave's POV

Magse-celebrate kami ngayong gabi para daw sa nalalapit na medical mission ni Cindy at si Klyde ang pasimuno ng lahat kahit pwede naman kaseng mag-celebrate kapag successful ang mission nito. Mas excited pa si Klyde kaysa kay Cindy dahil hindi lang naman first time to na medical mission.

Magtatakipsilim na ngayon at naghahanda na ako para sa dinner celebration mamaya na magaganap sa isang private resort, kahit pwede rin namang sa mansyon na lang nila gawin, gagastos pa talaga kahit ang lalaki na ng mansyon nila

Di na kasama ang mga parents namin lalo na't may sarili rin silang inaasikaso at trabaho.

Mayamaya pa ay nakatanggap ako ng message galing kay Ranz na pinapapunta na ako doon dahil nandoon na raw ang iba.

Nagmamaneho na ako ngayon ng sasakyan habang sinusunod itong gps sa phone ko, hindi kase familiar sakin ang resort na to at ngayon ko lang rin narinig ito, paniguradong si Herbie or si Ranz ang pumili ng lugar, hilig kaseng pumunta nun sa mga hindi pa nila napuntahan

Binasa ko ulit kung ano ang pangalan ng lugar Audenzia's Resort

Medyo natagalan pa ako sa paghahanap ng lugar na iyon kaya muli akong nakareceive ng message galing kay Ranz at tinatanong kung malapit na ba ako, di ko muna nireply-an yun dahil nagda-drive ako

Hanggang sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang pangalan na nakadesiplay sa isang lugar, akala ko naliligaw na ako ng landas. Agad kong napansin na iyon nga ang lugar na yun lalo pa't kapansin pansin ang laki at nagliliwanag na lugar na iyon.

Nang makalampas na ako ng entrance ay nagpark na ako na hinanap pa ang mga pamilyar na sasakyan ng mga kaibigan ko para madali ko na lang mahanap, di naman ako nabigo dahil ang mga kaibigan ko lang naman ang mga ganito kagagarang sasakyan.

Nakapag-park na ako bago naisipang tawagan kung sino sa kanila habang naglalakad ako papasok. Si Ken ang tinatawagan ko, hindi sumasagot, maingay siguro sa loob dahil dito palang ay rinig na rinig ko ang sounds dito.

Napagdesisyunan kong iwan na lang sila ng message na andito na ako, para kung maligaw ako sa laki ng lugar na 'to ay madali nilang malalaman

Habang naglilibot ako ng paningin na ang ilang mga tao rito ay napapatingin sakin lalo na ang mga kababaihan na naka swim suit ang ilan. Di ko na lang pinansin pero ang napansin ko lang ay ang kaunting bilang ng mga nagkakasiyahang tao dito

"What the f*ck"

"Oh, sorry———————" nahinto ako sa paglalakad ng may bigla akong nakabungguan at pareho kaming natigilan ng makilala ang isa't isa

"Dave?" ani Alex na sya pala ang nakabunggo ko

"Late ka rin pala?" ani ko naman

"Obviously. Ganyan kapag mga bida... laging huli..." napangiwi ako sa sinabi niya, nung isang araw lang halos patayin niya na ang sarili niya, ngayon naman ay mukhang nahimasmasan na sya, pero kita ko parin ang pagiging malamya niya

"So I'm also a protagonist?" pagsasakay ko sa biro niya, sya naman ang napangiwi

"No. You're an antagonist, dude.. Panira ka ng moment ko palagi" nakangiwi niyang ani, pinagkunutan ko sya

"I'm not a bad guy to be an antagonist" napataas pa ang mga kilay kong ani

"Pshh. Let's go na nga" may pagka-conyo niyang ani na nanguna sa paglalakad

"Are you familiar in this place?" mayamaya ay tanong ko habang kasabay sya sa paglalakad, saglit syang sumulyap sakin bago umiling

"Bat di mo sinabi agad? Baka maligaw tayo... Wait I'll call them" kukunin ko na sana ang phone ko ulit ng magsalita sya

I Just Want to be Happy 2 [Completed] Where stories live. Discover now