𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷

3.6K 161 32
                                    

CJ's POV:

"Bye Lolo!" Sigaw ko habang kumakaway. Kumaway lang siya pabalik habang naka ngiti.

Pagliko ni Tita ay hindi ko na nakita si Lolo kaya sinara ko na yung bintana.

Sinalpak ko nalang ang earphones ko tsaka nakinig ng music. Mahaba-haba pa ang biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mata ko. Ipinikit ko na ito at hinayaang tangayin ako ng kadiliman.

---

Napa-upo ako ng deretso nang maramdaman ang hapi sa pisngi ko. Tiningnan ko ng masama kung sino ang walanghiyang sumampal saakin, walang iba kundi si Larang epal, na ngayon ay naka-ngisi na para bang proud pa siya sa ginawa niya.

"Andito na tayo." Sabi ni Tita bago ko pa masigawan si Lara. Pasalamat siya andito si Tita kundi, baka tulog na siya ngayon sa kinauupuan niya.

Agad akong bumaba tsaka tiningnan ang malaking bahay na nasa tapat namin ngayon. Tiningnan ko pa muna si Tita bago pinindot ang doorbell. Walang sumagot kaya pinindot ko ito ulit. Wala parin.

"Tita, sigurado po ba kayo na dito yun?" Tanong ko kay Tita Laura.

"Oo." Sagit niya habang tinitingala ang bahay. Pinindot ko nalang ulit yung doorbell at sa wakas, may sumagot na.

"SANDALI LANG!" Sigaw ng kung sino. Iniisip ko kung kaninong boses yun. At ng masagot ko ang tanong ko ay saktong bumukas ang pinto at isang matangkad, maputi, medyo singkit na mata, matangos na ilong at mapulang labing lalaki ang sumalubobg saakin.

"CJ!" Masayang bati niya tsaka tumakbo payakap saakin. Niyakap ko siya pabalik.

"Edward!" Masayang bati ko rin tsaka bumitaw sa yakap. He's Edward Zamiel Montefalco. 17 years old, isa sa mga pinsan ko, kapatid ni Ate Francine. Isang taon ang tanda niya saakin.

"Tara na! Pasok kayo sa loob." Anyaya niya. "Nasaan ang maleta mo?" Tanong niya kaya tinuro ko lang yung kotse. Agad naman niyang pinuntahan iyon habang ako ay nakashnod sakanya. Pasinple kong tiningnan si Lara. Yung itsura niya, feeling ko maya-maya lang biga bigla nalang siyang mananabunot. Yung itsura niya malapit lapit ng makapatay. Ngumisi lang ako sakaniya.

Tinulungan ko si Edward na dalhin yung Maleta ko tsaka kami pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok namin sa sala ay agad niya kaming pinaupo sa sofa. Naupo ako dun sa single sofa habang sila Tita Laura naman ay dun sa mahabang sofa. Mabilis siyang nagpunta sa kusina para bigyan kami ng juice ay muffin. Wow sosyal. Muffin.

"Ang laki ng pinagbago mo EZ! Lalo kang tumangkad ah." Sabi ko habang naka ngiti. "May girlfriend ka na noh?" Dagdag na tanong ko tsaka uminom ng juice. Tiningnan ko namna ang katapat ko, walang iba, kundi si Lara, na mukhang nag-aabang din ng sagot. Uminom din siya ng juice.

Namula naman ang tenga ni EZ, shortcut for Edward Zamiel, tsaka dahan-dahang tumango. At biglang nasamid si Lara. Kaya nataranta naman si Tita Laura.

"Nako Lara! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Natatarantang tanong ni Tita Laura. Halatang hindi malaman ni EZ ang gagawin. 'Bigyan mo ng tubig.' Sabi ko ng walang boses at mukhang nakuha naman niya yon ay agad na sinenyasan ang isa sa mga maid para kumuha ng tubig.

Wala parinv tigil sa pag-ubo si Lara. Ng dumating yung tubig ay agad ko itong kinuha tsaka lumipat sa tabi niya. Agad kong inabot sakaniya yung tubig at bago pa niya mainom ay hinawakan ko muna yung braso niya.

"Dahan-dahanin mo ang pag-inom. Baka ikamatay mo na yan." Serysong saad ko kaya para naman siyang tangang tango ng tango bago dahan dahang ininom yung tubig. Nang mahinasmasan na siya ay tinanong nanaman ulit siya ni Tita.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now