𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 4

2.7K 137 33
                                    

CJ's POV:

"wae geu haggyoeseo jjochgyeonanayo?" Kyle asked me for the 50th time. ("Why are you kicked out from that school?")

"igeon nega sang-gwan hal il-i aniya." sagot ko sakanya habang inaayos ang gamit ko. (It's none of your business.)

Magsasalita pa sana siya ulit pero nagmamadali akong lumabas sa room. May naka-banggaan pa nga ako kaya nag sorry na lang ako ng walang lingon lingon.

Halos takbuhin ko na ang cafeteria sa sobrang pagmamadali. Pagkarating ko dun aya napansin kong madaming tao. Siguro may kasabay kaming ibang year level.

"CJ!" Nilingon ko kung sino yun at nakita kong si Kyle iyon tumatakbo palapit saakin kaya bago pa sya makalapit saakin ay agad akong humalo sa ibang students.

Habang nakikisiksik ako ay nakita ko si EZ kaya hinila ko sya tsaka dinala sa pinaka sulok at tagong lugar dito sa cafeteria.

"Ui ano ba? Basta-basta ka nalang nanghihila. Kung sa iba mo ginawa yan malamang may black eye ka na." sabi niya.

"Manahimik ka muna. May tinataguan ako." sabi ko habang nakayuko.

"Ay ang galing. First day na first day may kaaway agad? Ibang klase ka den eh noh? Hindi ba sinabi ko sayo--" di niya natapos yung sasabihin niya ng sumabat ako.

"Shunga wala akong kaaway. Tinataguan ko lang mga classmate ko." sabi ko tsaka sumilip sa likod niya pero agad ding yumuko dahil nakita ko si Kyle.

"Andyan na sila." sabi ko at mukhang nakisama naman itong si EZ dahil hinarang niya yung dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko.

"Asan na kaya yun?" sabi ni Kyle habang pilit akong hinahanap tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa ganong posisyon kame ng biglang may humila kay EZ pero ang susunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.

*PAK*

Sinampal niya si EZ.

"WALANGHIYA KANG LALAKE KA! MANLOLOKO!" Sigaw ni Ate Gurl tsaka ako binalingan at binigyan ng tingin na nakakahiwa sa sobrang talim.

"AT IKAW BABAE KA! NAPAKA LANDI MO!" Sigaw niya bago sumugod saken pero dahil mabagal siyang kumilos ay agad kong naiwasan iyon. Hinawakan ko ang braso niya ng napaka higpit tsaka hinila palayo sa canteen dahil paniguradong pagchi-chismisan kame dun. Sumunod lang saamin si EZ. Panay ang piglas niya pero hindi ko siya binibitawan.

Ng makarating kami sa likod ng cafeteria, which is katabi ng building ng section 5, ay tsaka ko lang siya binitawan.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO BABAE KA! ALAM MO NG MAY GIRLFRIEND YUNG TAO, LALANDIIN MO PA!" Sigaw niya saakin kaya lumingon ako kay Kyle na nasa tabi na ng 'Girlfriend' daw niya.

"GF mo?" tanong ko at namula naman ang tenga niya.

Tiningnan ko si Ate Gurl. In fairness, maganda siya. Hazel brown na buhok na medyo wavy, pa-singkit na mata, matangos na ilong at pinkish lips. Natural ang ganda niya. Walang kolorete sa mukha.

Face, check!

Tiningnan ko naman ang suot niya, 1 inch above the knee navy blue na palda, long sleeve and a red necktie.

Clothes, check na check!

Tumango tango muna ako bago nagsalita. "In fairness, ang ganda mo ah. BTW, I'm Cyan Jade. Just call me CJ." Pagpapakilala ko tsaka inilahad ang kamay ko.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"W-wait CJ? You mean Cyan Jade Luhence Zia Montefalco?" sabi niya habang nanlalaki ang mata. Tiningnan ko ng masama si EZ na nag-peace sign lang saakin, bago ko muling hinarap si Ate Gurl at tumango.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now