𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟺

2.1K 111 37
                                    

CJ's POV:

"Tungkol saan daw ba yung research?" I asked habang ino-open yung PC.

"It's more like an experiment. It's a balloon science experiment. Pagkatapos ng experiment, tsaka magre-research." Saad ni Dev. Saaming lahat, siya yung pinaka matalino. Well, hindi naman siya nerd. He's just smart. There's a difference.

Napatango tango nalang ako. Ni-type ko na yung pw ko.

"Oh bukas na tong PC." I said. Nagkahiyaan pa sila na lumapit dun.

"Hindi nangangain yung Computer. Umupo na kayo para makapag simula na." I said. Pero wala talagang kumikilos.

"Haist. Sige ganto nalang. Klarenz, Mykell, Kenneth and Renz, kayo diyan sa computer. Mag research kayo about dun sa experiment. Uno, Timothy, Kyle and James materials. Martin, Luis, Allan and Leo kayo mag a-assemble. Ice, Riu, Eric and Ian, kayo magtake ng pictures or vids. Kami ni Dev gagawa ng paper works." Paga-assign ko. Tumango nalang sila at nagsimula na kaming gumawa.

"May dala ba kayong materials?" I asked them.

"Meron. Kaso walang funnel tsaka bote." Sabi ni Uno.

"May naitabi pa ata ako jan. wait." Saad ko. Tumayo ako at pumunta sa closet. Binuksan ko yung cabinet na nasa ilalim ng lababo dun. Yes may lababo din. Ano nga siya parang kusina na din HAHAHAHAHA.

"Ilan ba kailangan?" Sigaw ko dahil medyo malayo ako sa pinto. Walang sumagot sakanila kaya kumuha nalang ako ng 2 bote.

Paglabas ko ay natulala ako ng makita ang hawak nila.

"*ehem.* Kindly put that thing down." I said. Lahat sila napatingin saakin. Itinaas ni Ice ang hawak niya.

"If I'm not mistaken, is this a bo-shuriken?" Ice asked. I tried hard to maintain my serious face kahit pa kinakabhan na ako.

Oh god please sana yan lang ang nakita nila.

"Yes. Where did you get that?" I asked. Hinagis niya iyon papunta sa direksyon ko at sinalo ko naman ito.

"Sa ilalim ng unan mo." Baliwalang saad niya.

"Okay." Kalmadong saad ko at itinabi ito sa drawer ng study table ko at muli itong ni-lock.

"Mind explaining us why you have a shuriken under your pillow?" Dev asked.

"Wala lang trip ko lang ilagay dun." I said. Bago pa sila makapagsalita ay inunahan ko na sila. "Oh eto na pala yung bote. 2 na kinuha ko ayaw niyo naman sumagot kung ilan." Pag-iiba ko ng topic. Binalewala nalang nila iyon nagtungo na sa kaniya kaniyang gawain.

One eternity later~~~~

Char hikhak.

1 hour later~~~~

"Tapos na namin tong experiment." Ani Allan.

"Eto ding research tapos na." Saad naman nina Mykell.

"Pa send nung mga na-research niyo salamat." Sabi ko habang nakatutok sa laptop at nagta-type. Medyo nangangalay na din yung daliri ko dahil kanina pa ako nagta-type.

"Sent." Pagkasabi ni Kenneth ay tumunog naman ang laptop ko. In-open ko yung file na sinend nila at binasa. Pagkatapos ay muli akong nagtype. Ako ang nakatoka dun sa research while si Dev naman is dun sa experiment.

May kumatok sa pintuan pero hindi ako lumilingon dahil onting type nalang ay matatapos na ako kaya kailangan kong mag focus.

"Bukas yan." Sigaw ko. Yung iba naman nanonood na dun sa PC yung iba, nakahiga. Bumukas ang pinto at pumasok dun si Ate HZ. Paano ko nalaman? Amoy palang ng perfume niya, alam ko na.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now