𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻𝟽

1.6K 86 5
                                    

CJ's POV:

"Nanaginip ng gising, nakatulala sa hangin~" Pagkanta ni Kyle at Renz. Andito kami ngayon sa sasakyan ni Ice at papunta na sa address na nahanap ni Eric. Nasa harapan ako samantalang yung dalawa naman ay nasa back seat. Kanina pa kami hindi nag-uusap ng yelong 'to. Which is fine for me...I guess?

"Nagsusumdhing damdamin, kahit halik lang ang akin." Ngumiwi ako nang kumanta nanaman sila.

"If the both of you don't stop, I'll kick you out." Seryosong sabi ni Ice na nakapagpa-tahimik sa dalawa.

"Malayo pa ba?" Inip na tanong ko. Mga isa't kalahating oras narin kasi akong nakaupo. Feeling ko namamanhid na rin yung pwet ko.

He didn't answer. I huffed and crossed my arms before leaning against the seat.

Ang sama ng ugali neto kala mo gwapo. Hmp,

"Malapit na tayo Cy." Sabi ni Eric. Oo nga pala, kasama rin namin siya sa sasakyan.

"Ah, okay." Sagot ko. Buti pa si Eric. Etong yelong kumag na 'to parang walang dila eh. Pisti.

"Diyan na yun." Sabi ni Eric at tinuro yung kulay dilaw na bahay. It's a 2-storey house and color yellow. May katabi rin itong garahe at garden sa kabila.

Nag-park si Ice nang hindi kalayuan sa bahay. Bumaba agad ako at pinuntahan sila Kuya sa kabilang sasakyan. Nag-convoy kasi kami.

"Is this it?" Kuya LZ asked. I nodded so he turned off the engine of his car and got out. Kasunod niya si Kuya DZ at Kuya BZ.

"Kami muna ang kakatok." Sabi ni Kuya DZ. Tumango ako at sumandal sa sasakyan at pinapanood ang paglalakd nila palapit sa bahay.

"Boo." Tiningnan ko ng masama si Clover na tumatawa.

"Hala omg nagulat ako." Sarcastic na sabi ko. Sumimangot siya at hindi na nagsalita.

Kumatok sila kuya. Mga ilang Segundo ay bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking naka-puting t-shirt. Nag-usap sila saglit.

"Alam mo ba..." sabi ni Clover. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Eto nanaman po tayo sa alam mo ba. Siguraduhin mong maayos 'yan ah." Sabi ko. Tumawa siya at tumango.

"Seryoso na. Alam mo ba, feeling ko, feeling ko lang ah. May gusto sayo si Ice." Kung may iniinom lang ako ngayon, malamang sa malamang nasamid na ako. Napaka-straight forward jusko!

"Feeling mo lang." Sabi ko. Sumeryoso siya kaya nagseryoso rin ako. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko. Tumingin muna siya kay ice na nakasandal sa sasakyan niya at nakatingin sa phone bago nagsalita.

"Based on the way he reacts on things. I'm his best friend, Cy. Alam ko at kilala ko siya mula ulo hanggang paa. And I can tell, may feeling siya para sayo." Paliwanag niya. Tiningnan ko si Ice.

"Parang imposible 'yang sinasabi mo, Clover." Sabi ko. Bumuntong hininga siya.

"Naalala mo nung nag-sorry siya sayo? Never niyang ginawa 'yun. Kahit kay Cleo." Ani Clover.

"Malay mo na-konsensya lang talaga siya. Dumugo yung sugat ko nun eh." Sabi ko.

"Noong pinahiram ka niya nung gitara niya. That guitar is very special to him. It came from his late mother." Nagulat ako at napatingin sakaniya.

"Wala na ang mama niya?" gulat na tanong ko. Malungkot siyang ngumiti at tumango.

"Yeah. Her mother died when he was like 5 years old or something. Car accident." He explained. "He doesn't want anyone touching his things. Especially his guitar. Kaya nagulat ako nang pumayag siyang hiramin yung gitara na iyon." Sabi niya pa.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now