𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 72

1.7K 97 24
                                    

CJ's POV:

"Hoy pandak pasabay." Ani Kyle at umakbay pa saakin. Siniko ko siya sa tagiliran niya at tinulak ng mahina.

"Umayos ka Kyle baka makatikim ka din saakin." Suway ko at sinamaan siya ng tingin. Agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay niya saakin at nakangiwing hinimas ang parte na tinamaan ko.

"Eto naman ang sadista mo na ah. Iyan ba ang epekto ng nagkaakroon ng asawa?" Tanong niya pero agad siyang nagtago sa likuran ni yelong kumag nang muli ko siyang samaan ng tingin at amban.

"T*ng*na mo from the top and bottom of my heart." Sabi ko at inirapan siya.

"Cy-"

"Ano?!" Singhal ko at lumingon sa likuran. Napatigil ako nang makitang malapit lang pala ang kaniyang katawan saakin.

Nakatingala ako samantalang siya ay nakatingin sa ibaba kaya nagtama ang aming mga mata. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ako tumikhim at lumayo.

"Bakit?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"I just wanted to say-"

"Cyan Jade." Naputol ang gusto niyang sabihin nang sumabat si hayop-este Cleo.

Ang harsh mo naman sa future wife ng future ex mo.

Agad akong napailing. Walang hiyang mga uod 'to! Ang la-lawak ng imagination shuta! Jusko po bakit naman ganon ang inisip niyo?!

Ay sus parang hindi mo naman naisipan na jowain si fafa Ice.

Put tang in a glass mga shutang uod!

"Are you okay?"

"Ha?" Gulat na tanong ko. Lahat sila ay nakatingin saakin...in a weird way.

"You kept on shaking your head. Are you okay?" Clover asked and placed his hand on my shoulder, checking my face.

"Baka aatakihin na ng epilepsy tapos ginambala mo lang pre." Ani Klarenz kaya nakatanggap siya ng batok mula sa magpinsan.

"G*go." Sabi ko at sinipa papunta sa pwesto ni Klarenz yung maliit na bato na nagkalat.

"Can I talk to you? Alone?" Tumingin silang lahat kay Cleo bago muling tumingin saakin. Tanging pagtango lang ang isinagot ko sakaniya at sinundan siya.

Nang makalayo na kami at nakasiguro siyang wala nang makakarinig sa usapan namin ay humarap siya saakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nawala na yung matamis niyang ngiti, ang inosenteng mata niya at ang kaniyang maamong mukha.

Ginaya ko din ang ginawa niya. Tiningnan ko rin siya mula ulo, mukhang paa.

Yes queen Cy! Oo, tama, correct, fact, tumpak, truth. Mula ulo, mukhang paa!

She scoffed and looked at me up and down for the second time before scoffing again.

"May ubo ka ba? Gusto mo tubig?" Alok ko at akmang kukuha ng bottled water sa bag ko nang irapan niya ako.

Okay sabi ko nga hindi na.

"Cyan Jade Montefalco. That's your full name right?" She asked.

"It actually has Luhence Zia between Jade and Montefalco but yeah that counts." I answered and smiled. She smirked and sighed.

"Sa pagkakaalam ko kasi, maganda at gwapo ang lahi ng mga Montefalco. Are you sure you're one of them? It looks like you're lost kasi eh." She said and laughed. Nang mapansing nakatitig lang ako sakaniya ay tumigil siya sa pagtawa at tumikhim.

The Only Girl Of Section 5Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ