𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟾

2.2K 107 4
                                    

CJ's POV:

"Tumayo ka." Utos saakin nung babae.

"Just tell me what you want. I'm not in the mood right now." I said nang makita ang yellow necktie nila na ibig sabihin taga section 4 sila.

"Itayo niyo yan." Saad nung babae nang makitang wala akong balak kumilos. Agad nagtungo yung dalawa pang lalaki sa magkabilang gilid ko at sapilitan akong itinayo. Hinawakan din nila ang braso ko ng napaka higpit.

"Para toh sa pananakit mo kay Finley." She said before giving me a hard punch in the stomach.

Anak ng tokinawa masakit pa nga yung sa labi ko, dadagdagan pa.

I didn't show any emotion na lalong nakapag pagalit sakaniya na dahilan para bigyan niya ako muli ng suntok sa tiyan. Hindi pa siya nakunteto at tinadyakan pa muli ang tiyan ko kaya napaluhod ako.

Tangmother ka ateng. Pasalamat ka wala akong lakas ngayon kaya hindi kita masasapok ng matindi.

Hinila niya ang buhok ko at pinatingala sakaniya.

"Look who's tough. Still no emotion? Tingnan natin kung hindi ka masaktan sa gagawin ko." Sabi nung lalaki na nagsara nung pintuan. Nilabas niya sa bulsa niya ang isang black 2 fingers brass knuckles. Sinenyasan niya yung dalawang lalaki na itayo ulit ako.

Muli niya akong sinuntok sa tiyan gamit yung knuckles. My body curled. Shems ang hapdi!

I chuckled na nakapag pakunot ng noo niya.

"You punch like a girl." I said while smirking before spitting the blood from my mouth. He scoffed. Tumalikod siya pero agad ding humarap at binigyan ako ng suntok sa mukha. Pumaling sa kabila ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Nararamdaman ko ang pagdudugo nang gilid ng kaliwang mata ko.

"Tapos na kayo?" nanghihinang saad ko. I smirked again.

"Kung sa tingin niyo matatakot ako sainyo, think again. 'Cause for me? You are a bunch of cowards. 4 vs 1? Tapos hindi ako makalaban? Hindi kayo patas. Ang gumagawa lang nun ay yung mga duwag." I said. The guy gripped my jaw.

"Hindi pa ito ang huling pagkikita namin. Sa susunod, sisiguraduhin naming hindi ka na makakapag salita." He said. Bago pabatong binitawan ang mukha ko Binigyan niya ako ng tadyak na tumama sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Kasabay ng pagtadyak niya ang pagbitaw saakin nung dalawang lalaki kaya ending tumumba ako. At ang mas masaklap pa, tumama yung likod ko dun sa kanto nung armchair.

Shutanggala yung spine ko.

Hinila ulit nung babae yung buhok ko at hinarap sakaniya.

"Babalikan ka namin." She said before slapping me hard. Tumumba ulit ako. Sinipa ako nung dalawang lalaki na nakahawak sakin sa tiyan.

Shuta kayo ano bang meron sa tiyan ko at yun nang yun ang pinupuntirya niyo?!

Nagtungo yung babae dun sa teacher's table na parang may hinahanap. Nakita kong dinampot niya yung gunting dun bago lumapit uli saakin. Mukhang alam ko na ang binabalak nitong bruhang toh.

At hindi nga ako nagkamali dahil hinila niya muli ang buhok ko at ginupit. Kung ano anong gupit ang ginawa niya kaya for sure pangit ang kalalabasan nito.

Sarap kalbuhin neto peste.

Binulungan siya nung kasama niyang mga lalaki bago tumawa. Ngumisi naman siya bago bitawan ang buhok ko. Hinila niya ang collar ng long sleeves ko. Sinubukan kong pigilan ang kamay niya pero dala na din ng pang hihina ay hindi ko mahawakan ang kamay niya.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now