𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟿

1.7K 96 18
                                    

CJ's POV:

"Wait, what?!" Gulat na tanong ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sakaniya. "Y-you—she—you—" I couldn't finish my sentence because of shock.

"CJ, kalma. Guys pakitawag nga yung crush neto aatikihin na sa puso si CJ!" Pang-aasar ni Riu at nagkunwari pa talagang natataranta. Nakatanggap tuloy siya ng batok.

"Manahimik ka Mendoza. Sasapakin kita." Banta ko.

"Sige sapakin mo ako sa lips tas kiss mo din agad." Hirit niya kaya binatukan ko siya muli.

"Ang landi mo Mendoza. Malala ka na." Sabi ko at muling tumingin kay Mikhail.

"She's not my girlfriend okay! Shut up Mikhaila." Masungit na saad ni Mikhail.

"Jusko mga kabataan ngayon! Insert the song teenage." Nanlalaking mata na saad ko. "Cause literally teenagers scare the livin' shit out of me. Dinaig niyo pa nanay niyo. Ako nga ni minsan hindi nagka-jowa tapos magugulantang nalang ako may jowa na kayo? By the way, maganda ba?" Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Mikhail dahil sa sinabi ka.

"Alam mo Cy, kaya hindi ka nagkakajowa, kasi di ka naman kagandahan—hoy joke lang naman eh!" Binato ko ng sapatos si Klarenz dahil sa sinabi niya. "Pero seryoso kaya hindi ka nagkakajowa kasi nakakatakot ka pramis. Yung tingin mo palang eh parang mananapak ka na, lalo naman kapag kinakausap ka." Sabi niya at sinipa pabalik saakin ung sapatos ko.

"Sadyang wala lang akong oras para sa mga jowa jowa okay." Sabi ko at umirap. "So, ano nga? Who's the girl?" I asked Mikhail.

"Her name's Celia Clementine." Sabi niya. Napatigil ako saglit.

"Stay away from her." Sabi ko at tumayo.

"What? Why?" Gulat na tanong niya.

"Just do it." Sabi ko at kinuha yung phone.

"Woah woah stop right there, mom." Napatigil ako nang harangin ako ni Mikhail.

"I'm going to make a phone call. Excuse me." Sabi ko pero hindi talaga ako pinadaan.

"No, I need your explanation mom. I'm not a kid anymore I know what's going on." Natigilan ako dahil sa sinabi niya na iyon.

"We're going to talk about this at home." Seryosong saad ko. Wala siyang nagawa kundi ang tumabi ang padaanin ako.

Dialing Riego...

"What?" Iyan agad ang bungad ni Steve pagkasagot na pagkasagot niya sa telepono niya.

"How did she find out?" Agad na tanong ko.

"Who found out what?" Takang tanong ni Steve.

"You know who. I want to know how she found out the kids' location?" Sabi ko.

"Oh, that. Yeah uh, that's exactly what I'm taking care of right now. I gotta hang up Lu. Stay safe there." Napabuntong hininga ako.

"You too Steve." Sabi ko at binaba ang tawag. Bumalik ako sa room at wala sa sariling naupo sa upuan ko.

"Ah, andiyan na pala kayo. Akala ko wala kayong planong pumasok sa oras ko." Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang pumasok si Ms. Fuhla, na as usual, kita kaluluwa ang outfit mga mare. "Hindi ko alam naging daycare na pala ang classroom niyo." Sabi pa ni maam ng makita yung dalawang bata. Naningkit ang mga mata ko, pero pinili kong manahimik nalang.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now