𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟽

2.5K 120 17
                                    

CJ's POV:

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kyle. Yes you read it right. Si Kyle nga. As in Kyle Cohen.

"Hala oo nga kakulet neto." Pang-aasar ko sakaniya. Ngumiti lang ito pero hindi abot sa mata niya.

"Sure na sure?" Paniniguro nito. Bumuntong hininga ako tsaka siya hinarap.

"Promise. Okay lang ako. Kaya ko. Gusto mo tumambling pa ako dito ih." Nakangiting saad ko. Oo bati na kami. De char.

Actually tinatamad akong pumasok. Or should I say nagdadalawang isip pumasok.

Bakit nga ba ako nagdadalawang isip pumasok?

Kasi natatakot ka sa banta sayo ni Ice.

What me? Scared? Nah in his freakin dreams.

Naalala ko nanaman yung uniform ko fishtea. Sa sobrang gigil ko ay nakalimutan ko nang kunin pa yun.

Asan na kaya yun? Baka ginawa nang basahan ng mga kupal kong kaklase.

kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa Academy. Kaya ganyan siya mag react dahil siya pala ang natawagan ko kagabi.

Flashback~~~

unti-unti kong minulat ang mata ko ngunit agad din akong napapikit ng dahil sa pagkasilaw. Nang masiguro ko nang naka adjust na ang mata ko ay dinilat ko ito muli.

Ang unang bumati saakin ay ang kulay puting kisame. Patay na ba ako?  Lumingon ako sa kaliwa, puting pader ang nakita ko. Paglingon ko sa kanan ay nagulat ako. Sa sobrang gulat ay talagang nanlaki pa ang mata ko. Andito ang mga pinsan ko! Pero, ang akala ko ba patay na ako? Edi ibig sabihin???

HALA PAKSHET!

PATAY NA 'RIN SILA?!

Naputol ang pag-eemote ko ng makarinig ako ng mahing pag-ungol. Tiningnan ko kung sino iyon at lalong nanlaki ang mata ko.

SI KYLE?! HALA TEGI BOOM NA DIN TONG KUMAG NA TOH?!

Nakaupo siya sa rubbermat habang nakasandal sa pader. Dahan dahan siyang dumilat at ang tingin niya ay nasa akin agad.

"Oh. You're awake." Sabi niya saakin na nakapag pagising rin sa iba naming kasama. Hala! So ibig sabihin hindi pa sila patay? Edi ibig sabihin, hindi pa ako patay?

WAHHHH!!!!!!

Sabay sabay nilang dinilat ang mga mata nila. At nang makitang gising na ako ay naguunahan silang tumayo kaso nahihirapan sila. Magsiksikan daw ba sa sofang pang apat-an lang.

Ang unang nakaalis doon ay si Ikay since siya ang pinaka maliit sakanila.

'Pero ikaw pa din ang pinaka maliit sa lahat.'

Mga wala talagang dulot 'tong mga bulateng toh potspa.

"Gosh Zizi kala ko kung napano ka na! You got us worried sick!" Nag-aalalang saad ni Ikay. Natawa lang ako sakaniya. Zizi is my nickname. Siya lang ang tumatawag saakin nun.

"Hey Couz! Musta? Masakit ba? Ano pakiramdam?" Nang-aasar na saad ni EZ na hindi ko namalayan ay nakalapit na pala saamin. Pati narin sina Kuya DZ, Kuya BZ, Ate HZ, Ate FZ at KZ. Si Kyle naman ay lumabas para tawagin yung doktor.

"Di naman masyado masakit. Gusto mo try natin sayo? Parang kagat lang ng langga." Sarcastic na sagot ko. Nasaksak ka na nga tapos tatanungin ka pa kung masakit.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now