𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟹

2.3K 118 13
                                    

CJ's POV:

"EZ ano ba umayos ka nga! Baka madistract si CJ sa pagmamaneho!" Pagsuway ni Ikay kay EZ.

"Eh kasi naman ang bagal magmaneho. Pagong ka ba?" Naiinis na tanong ni EZ.

"Oh, so now I'm a slow driver?! Huh?!" Pagsagot ko sakaniya.

"Yes. You are a VERY SLOW DRIVER." Sabi saakin ni EZ at diniinan pa talaga yung very slow driver.

"Okay. I'll show you what a slow driver can do." Sabi ko at inapakan ng madiin yung gas kaya bumilis ang takbo ng kotse ko.

Wala pang 30 minutes ay nahandito na kami sa campus at kasalukuyan kong pinaparada ang kotse ko. Pinatay ko ang makina neto at tiningnan si EZ na nasa tabi ko.

"Slow driver pala ha." Nang-aasar an sabi ko at lumabas. Natatawa ako sa expression ng mukha niya HAHAHAHAHA. Binuksan ko yung pinto niya at nagulat pa siya.

"Señorito, pwede ka nang bumaba." Nag-aasar din na sabi ni Ikay.

"B-buhay pa ba ako?" Sinagot niya saamin at kinapa kapa ang buong katawan.

"Anak ng... bumaba ka na nga pisti." Sabi ko sakaniya at hinila siya sa kwelyo niya palabas ng kotse.

"Parang humiwalay ata yung kaluluwa ko ng mga 5 minutes ah." Sabi niya. Tinawanan lang namin siya ni Ikay. Ni-lock ko na ang kotse at sabay sabay kaming pumasok sa campus. Nasa akin agad ang tingin ng lahat. At nagsimula nanaman ang bulungan.

"Bess look oh. Kasabay niya yung dalawang Montefalco."

"Oo nga bess. Baka friends na sila?"

"Friends kamo? Ang sabihin mo, nakipag kaibigan dahil gustong maging famous. Tsaka malay mo dahil an din sa pera. She doesn't look mayaman kaya."

Napairap ako sa katangahan nung dalawa. Conyo pa wengya.

"Geh dito na ako. Bye!" Sabi ko at humiwalay na sakanila. Tahimik akong naglakad papasok sa room namin. Pagpasok ko ay tumahimik sila. As in sobrang tahimik. Nakatingin silang lahat saakin, or should I say sa mukha ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. At bago naupo, chineck ko muna yung upuan ko. Nang makitang walang kahit ano dito ay duon lang ako umupo at dumukdok. naramdaman kong may kumalabit saakin kaya itinaas ko ang ulo ko.

"Anyare sa mukha mo?" pang bungad na tanong ni Kyle. At talagang hindi pa nakuntento dahil sinundot niya pa iyun.

"Aray! Shuta ka ang sakit!" Sigaw ko sakaniya. Napatingin naman samin ang iba. Tiningnan ko lang ng masama si Kyle na halatang nagpipigil ng tawa.

"Akin na Ate linisan ko." Sabi naman ni Renz na nakaupo na pala sa tabi ko.

"Nilinis ko na kanina." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Ate wag ako lokohin mo. May tuyong dugo pa oh." Sabi niya. Napakamot nalang ako sa ulo at muling humarap sakaniya. Sinimulan niyang linisin yjun gamit ang bulak at alcohol. Minsan ay napapaigtad ako pag nadidiin yung pagdampi niya ng bulak.

"Yan ate. Okay na." Sabi niya. Ngumiti ako saknaiya na nauwi sa ngiwi dahil humapdi yung pasa ko.

Nilibot ko ang paningin ko at may hinanap.

"Wala pa si Riu?" tanong ko sakanilang dalawa. Nang hindi sila sumagot ay tumingin ako sakanila. Para silang tangang nakangisi. Lalo an si Kyle dahil may pataas baba pa ng kilay.

"Bat mo hinahanap? Crush mo noh? Yieee ikaw CJ ah di mo sinabi saamin may lihim na pagtingin ka na pala kay Mendoza ahhh. Yieeeee." Pang-aasar ni Kyle.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now