𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟹

1.7K 89 7
                                    

CJ's POV:

"Earth to CJ?"

Napabalik ako sa reyalidad nang bumulong sa tenga ko si Clover at pumitik sa harapan ko.

"A-ano yun?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya at sumadal din sa railings.

"Nasasaktan ka ba?" Tanong niya. Napakunot noo naman ako.

"Huh? Nasasaktan? Saan?" Takang tanong ko a sinuri yung katawan ko dahil baka nagkaroon na pala ako ng galos ng hindi ko namamalayan.

"Nevermind." Sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Ang weird mo." Natatawang saad ko at muling tumingin sa langit.

"Just for you."

"Huh?" Tanong ko. Narinig kong may binulong siya eh. Pero hindi ko naiintindihan.

"Sabi ko ang ganda mo sana kaso bingi." Sabi niya at humagalpak ng tawa. Ngumiwi ako at hinampas siya sa braso.

"Ewan ko sayo Clover Pierce." Ani ko. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang marinig namin itong bumukas. Pero agad akong napa-iwas ng tingin ng makitang si Ice pala iyon.

"Why are you all here?" tanong niya.

"Kasi wala kami doon. Dzuh." Bulong ko at muling tumingin sa kalangitan.

"Boring sa room. Nag-aya dito si CJ." Sabi ni Dev.

"Malamig naman pala dito eh. Dito nalang tayo." I froze when I heard a female voice. I gulped hardly before looking at the door. And there she is. There's Cleo, standing on the doorway.

Muling may kumurot sa puso ko. Muli ay nag-iwas ako ng tingin. Saktong napatingin ako kay Riu na super busy sa phone niya.

"What's up?" Tanong ko nang makitang kanina pa siya nagkukunot ng noo. Saglit siyang tumingin saakin at ngumiti bago muling binalik ang paningin sa phone niya.

"Why do you look so stressed?" I asked. Bumuntong hininga siya at tsaka malungkot na tumingin saakin.

"May sakit kasi yung kapatid ko. Dapat hindi ako papasok para maalagaan siya kaso nagpumilit na sayang daw yung araw ng pasok kung a-absent lang ako. Eh ngayon hindi naman ako mapakali dahil sabi nung nag-babantay sakaniya tumaas nanaman yung lagnat." Pagkukwento niya.

"Gusto mong tumakas?" Wala sa sariling tanong ko nang mahagip nanaman ng mata ko si Cleo at Ice. Muling nag-flash sa utak ko yung nakita ko kanina.

"Huh? Bad influence ka ah." Sabi ni Riu at tumawa.

"Hindi ako nagbibiro." Ani ko. "Gusto kong tumakas para mawala 'tong sakit na nararamdaman ko." Bulong ko.

"May sakit ka din?!" Gulat na tanong niya bago sinipat ang noo at leeg ko. Nakiliti ako nang dumikit yung palad niya sa leeg ko.

"Hoy wait nga nakikiliti ako!" Sabi ko at sinubukang tanggalin yung kamay niya pero nagmatigas siya at pilit paring sinisipat kung mainit ba ito.

"Umayos ka nga CJ titignan ko kung may lagnat ka!" Sabi niya at hinawakn yung kamay ko na pumipigil sa kamay niya.

"Eh nakikiliti nga ako!" Ani ko. "Wala akong lagnat tangeks!" Sabi ko kaya tumigil siya.

"Sigurado ka?" tanong niya. Tumango ako.

"Ang sarap mo siguro maging boyfriend." Biglang bulalas ko. Natahimik ang lahat. Pati sila Renz na anghahabulan ay napatigil din.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now