𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟾

2.2K 121 8
                                    

CJ's POV:

From: Kuya DZ da great

Go home now. We need to talk.

Pagkabasang pagkabasa ko nun ay kinabahan naman ako. Parang nawala lahat ng init ng ulo ko at napalitan ito ng kaba.

"Kuya Bryle, baka di ko matapos shift ko ngayon. Kailangan daw ako sa bahay eh." Sabi ko.

"Ha? Oh siya sige. Ingat ka ha. Kami na bahala dito. Umonti naman na yung customers. Sa daan ang tingin ha huwag kung saan saan." Sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Opo sir." Sabi ko pa at sumaludo. Natawa naman siya habang umiiling iling.

"Ikaw talagang bata ka loko loko ka." Pagkomento niya. Kumaway lang ako at pumasok na sa changing room. Nagbihis na ako ng white shirt at black pants. Inayos ko ang pagkaka tali ng buhok ko at lumabas na sa changing room at nagtungo sa exit. Nakasabay ko pang lumabas sila KZ kasama sila Mel, Astrid at iba pa niyang classmates.

Mabilis akong lumakad. Tatawagin sana niya ako ng pigilin siya ni Mel. Nagtungo ako sa sasakyan ko ng makitang may nakatayo dun na naka black hoodie. Malalaki ang hakbang ko palapit sakaniya pero mukhang natunugan niya ako kaya mabilis siyang lumayo at tumakbo. Hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang nakalayo.

Okay so who the hell is that guy?

Bukas ko nalang siya po-problemahin.

"Do we need to uwi na ba talaga?" NArinig ko ang maarteng boses ni Astrid.

"Yeah. Hinahanap na si Kai ng mga cousin niya." sagot ni Mel.

Kai pa nga

Heh wag na kayong sumabat mga bulate kayo.

"OMG! Guys stop her! She's going to steal someone's car!" Narinig kong saad ni Astrid. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Shut up conyo girl." I said. Nanlaki naman ang mata niya at humawak pa sa dibdib niya. Parang may kilala akong ganiyan umasta. Uhmmm sino nga ulit yun?

"*gasps* The audacity! How dare you!" Sigaw niya.

"Astrid tigil tigilan mo ko ng kaartehan mo. Wala tayo sa campus kaya pwedeng pwede kita patulan." Galit na sabi ko. Hindi ko na siya pinansin at binuksan nalang ang kotse ko at pumasok.

Hindi sa nagpapakitang tao lang ako. Sadyang ayaw ko lang madumihan ulit ang record ko. Nagbabagong buhay na kaya ako.

Naul bagong buhay

Manahimik sabi kayong mga bulate kayo fishtea.

Lumapit ako at hinila si KZ palayo sakanila tsaka bumulong.

"Keep your eyes on the road. Someone might follow us." I said. Salubong ang kilay niyang tumingin saakin.

"What?" Nagtatakang tanong niya.

"Just do it. Mamaya ko na ie-explain." Sabi ko at muling lumapit sa kotse ko at pumasok doon.

Agad ko itong pinaandar at pinaharurot. Nakita ko sa rear mirror na nasa likod ko lang si KZ. Mas binilisan ko ang takbo ko ng maramdamang nagva-vibrate ang phone ko.

Shems baka tumatawag na si Kuya.

Hinawakan ko sa isa kong kamay ang manibela samantala ang isa naman ay kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Tama nga ako. Tumatawag na si Kuya DZ.

"Hello Kuya. Pauwi na ako. nagd-drive lang." I said.

"Bilisan mo." Sabi lang niya at ibinaba ang tawag.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now