𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟸

1.9K 85 7
                                    

CJ's POV:

"No! I'm not wearing that! Never!" Tumakbo ako palabas ng kwarto pero agad akong nahila pabalik ni EZ.

"You're performing CJ! Anong isusuot mo? Ripped jeans and loosed tee? No way! Hindi ako makakapayag na ganon makikita ng mga tao ang pinakamaganda kong pinsan." Sabi ni Ikay at pilit pinapahawak saakin yung summer dress. Matigas ang iling ko.

"Ate! Ate! Bilisan mo daw sabi ni kuya Ice kundi iiwan ka na daw niya." Natatarantang sabi ni Renz.

Shutanggala kaya ayoko ng ganito eh. Ang daming natataranta at ako na imbis chill lang eh nahahawa sa ginagawa nila.

"No! Ikay pinagbigyan na kita nung birthday ni Jane. Hindi ko susuotin yan." Sagot ko.

"Fine then wear this skirt!" Utos ni Ikay at pinahawak saakin yung checkered skirt na hawak niya. "I'm one day older than you kaya masusunod ako. Now, go in that room and change! Male-late ka na!" Sabi niya at tinulak ako papasok sa walk-in closet.

Late na kasi kami nagising. Halos magte-ten na. Eh ang simula nang comp. ay 11:00 a.m. Sinuot ko na yung blue checkered skirt na binigay saakin ni Ikay. Mga one inch above the knee ito. Pinaresan ko ng plain white shirt at black leather jacket tsaka knee high boots.

"Oh okay na?' Tanong ko paglabas ko ng closet. Napa-palakpak si Ikay at tuwang-tuwa.

"Yes!" Sabi niya at tinulak na ako palabas ng kwarto. Tumatawa lang si EZ na nakasunod saamin dala ang gitara ko.

"Oh dali lumarga na kayo. Susunod nalang kami dun." Sabi ni Ikay.

"What are you wearing?" Ang sama ng mukha ni Ice. Inirapan ko lang siya. Pano kasi matapos akong i-comfort kagabi, balik an siya sa dati. Tas kaninang gumising kami ang init-init ng ulo.

"Damit. Obvious ba?" Sarcastic na sagot ko.

"Magpalit ka don. Ang ikli ng suot mo." Utos niya. Napanganga kaming dalawa ni Ikay habang si EZ naman lalong tumawa.

"Gag* ka ba?!" Singhal ko. "Maikli pa 'yan sayo? Tinanong kita anong susuotin ko sabi mo bahala na ako basta bilisan ko. Pot* ka sana sinabi mo nalang na mag filipiniana nalang ako." Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag.

"Mamaya na kayo magtalo! 10:30 na!" Natatarantang sabi ni Ate FZ. Siya kasi ang maghahatid saamin sa school.

Napahilamos sa mukha si ice at hinubad ang jacket niya. Malalaki ang hakbang niya palapit saakin. Kala ko kung anong gagawin niya pero itinali niya yung jacket sa bewang ko. Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya saakin.

"Isuot mo yan. Makita ko lang na tanggalin mo yan sinasabi ko sayo." Banta niya at naunang lumabas. Sinamaan ko si Ikay na sinusundot sundot ang bewang ko.

"Tigilan mo ako." Sabi ko at lumabas na rin. Naksakay na sa van yung mga kumag. Dun ako sa harap umupo.

"Seatbelt." Sabi ni ate FZ. Pagkasuot ko ng seatbelt ay agad pinaadar ni Ate ang van papuntang school.

"Holy sh*t I can't do this." Parang gusto kong umatras dahil sa dami ng taong nasa loob ng gymnasium. Puno na ang mga upuan at may mga taong nakatayo nalang. Gagi anong meron hindi naman ganito kadami ang tao nung nakakaraang araw huhu.

"Ngayon ka pa aatras?" Nang-aasar na sabi ni EZ. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng batok.

"Ang lakas ng loob mong maghamon ng stuntukan tapos sa ganito ka lang pala matatakot?" Sabi naman ni Riu.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now