𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟹

1.7K 86 1
                                    

CJ's POV:

Nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang malamig na likido na umaagos sa buong katawan ko.

"Tang*na!" Sigaw ko dahil sa lamig na ng tubig na binuhos saakin. Luminga-linga ako at hinanap si Renz. Nasa tabi ko siya, kagaya ko ay nakagapos din sa upuan.

"Ah! Sleeping beauty is awake!" Rinig kong sabi ng kung sino mula sa dilim.

"Who the hell are you?" Tanong ko. Lumabas mula sa dilim ang isang lalaking matangkad, maraming tattoo at tigyawat sa mukha. He's also bald.

"Hi CJ! I'm Jigsaw." Sabi niya. "Nice to meet a fine lady like you. Oh, and look at the camera! Your friends can see you." Sabi niya at itinuro ang phone niyang nakatutok saakin.

"CJ! Tang*na mo talaga Jigsaw!" Rinig kong sigaw ni...

"Ice, Ice, Ice kalma! Wala pa naman akong ginagawa." Natatawang sabi niya at humarap saakin. "Huwag mo nang itago pa. Sige na sumigaw ka. Manghingi ka ng tulong sa boyfriend mo." Asar niya saakin.

"Huh? Boyfriend? May boyfriend ako?' Takang tanong ko. Nakarinig kami ng mahinang ungol sa tabi ko. Unti-unting dumilat si Renz at ang unang tingin niya ay nandito agad sa lalaking nasa harapan ko.

"J-jigsaw?" sabi ni Renz.

"Kilala mo 'tong sosyal na 'to?" Tanong ko.

"Sosyal?" Takang tanong ng lalaking nasa harapan ko na ang pangalan ay jigsaw.

"Oo. Sa lahat ng kidnappers na napapanood ko, ikaw lang yung gumamit ng gold na handcuffs sa hostage." Sabi ko na ikinatawa niya ng malakas.

"Gusto ko ;tong babaeng 'to. Nakakatawa ka." Sabi niya."Pero hindi niyan maitatago ang takot na nararamdamn ko mula sayo. Kaya kung ako sayo, manghingi ka na ng tulong sa boyfriend mo." Bigla siyang angseryoso.

"Sino ngang boyfriend? Wala ako nun dahil ayoko pang ma-murder ng kuya ko! For goodness' sake I'm just 16 you id*ot!" Sabi ko. Nabubwisit na ako dito sa lalaking 'to ah. Kanino nga ako manghihingi ng tulong eh wala naman akong boyfriend!

"Hindi ako nakikipag biruan!" Sigaw niya at biglang anglabas ng baril Pagkatapos ay itinutok sa noo ko.

"CJ!" Rinig kong sigaw ng kung sino.

"Sino yun?! Ang sabi ko Section 5 lang ang isasama mo!" galit na sabi ni jigsaw at humarap sa camera. "Hindi kayo marunong tumupad sa usapan, Ice. I'm disappointed." He added then faced me. He slapped me hard using his gun.

"Inaano kita?" Galit na sabi ko. Nalalasahan ko ang dugo galing sa labi ko.

"Madali akong kausap Ice. Pero kayo hindi tumupad sa usapan. Sino kaya ang uunahin ko sa dalawang 'to" Tanong niya at tinutok saakin yung baril, tapos kay Renz, at sa akin ulit. "Ah, alam ko na!" Sabi niya at biglang pinaputukan ang pwesto ni renz.

Renz! Sh*t! You psycho!" Galit na sigaw ko. Muli niyang pinaputukan ang pwesto ni Renz. Kita ko ang pamumutla niya at halos hindi siya makagalaw sa pwesto niya dahil sa takot. "No! Please ako nalang huwag mo siyang idamay! Huwag yung bata please! He's 15!" Pagmamakaawa ko. Rinig ko ang pagpoprotesta nila pero hindi ko iyon pinansin.

"Hmm. Pag-iisipan ko." Sabi niya at muling pinaputukan ng baril yung pwesto ni Renz. "Okay." Sabi niya at muli akong sinampal gamit ang baril niya.

"F*ck you jigsaw! F*ck you!" Rinig kong sigaw ni Ice.

"Yan! Ganyan nga Ice! Magalit ka!" Sabi niya at tumawa ng nakakakilabot. May ideyang pumasok sa isip ko. Humarap ako sa camera. Nakita ko sa screen ang mukha nila kuya LZ na nag-aalala.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now