𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟼

1.6K 77 6
                                    

CJ's POV:

"Ay hala wait lang!" Sabi ko at muling sinara yung pinto. Patakbo akong lumapit kay Ate Cami nang mahagip siya ng mata ko.

"Ate—"

"Cy! Oh my God!" Agad na yumakap saakin si ate Cami. Niyakap ko siya pabalik. "Ayos ka lang ba?! Nakita kitang pumasok, may ginawa ba siya sayo?! Sabihin mo, nasugatan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Ate.

Hala parang ewan 'to.

"Ate ako dapat ang nagtatanong niyan..." Ani ko.

"Cams! CJ! Ayos lang kayong dalawa?!" Sabay kaming tumingin kay kuya Dylan na patakbong lumapit saamin.

"Kuya saan ka galing?!" Tanong ko.

"May binili ako diyan." Sabi niya at tinuro yung store ilang blocks ang layo sa café.

"Kuya naman ih! Bakit mo naman iniwan si ate Cams. Paano kung may nangyari sakaniya?" Ani ko.

"Huy bakit ka umiiyak?! Sh*t Cy sorry na!" Natatarantang saad ni kuya Dylan at parang tanga na hindi malaman ang gagawin. "Oy g*gi tahan na baka sabihin nila inaapi kita." Dagdag niya pa.

"Eh ikaw eh! Iniwan mo si Ate Cams. Tas ikaw naman ate!" Sabi ko at bumaling kay Ate Cami na napaigtad pa. Nanlaki ang mata niya at tinuro yung sarili niya. "Oo ate ikaw. Bakit naman ako pa yung inaalala mo? Ikaw yung galing sa loob eh! Ikaw yung na-hostage, tapos ako pa yung kakamustahin mo." Angal ko.

"E-eh ano eh yung ano..." Pilit niyang paliwanag pero wala akong naintindihan bukod sa ano niya.

"Sige ate kaya mo yan. Yung ano inano tapos inano mo din kaya inano ka ulit. Tapos si ano inano yung ano." Nakangiwing saad ko.

"Basta yung ano." Kamot-ulong sabi ni ate Cams. Natatawang pinunasan ko ang luhang hindi ko alam kung bakit tumulo.

Makiki-eme lang daw.

Pistilang bulate manahimik kayo mga walang dulot.

"Si—"

"Sino yung kasamang babae nung kaklase mo?" Naputol ang sasabihin ko nang magtanong bigla si Ate Cams. Tumingin ako sa direksyon na tinitingnan niya bago sumagot.

"Oh, si Cleo. Kasama niyo kanina." Sabi ko. Binalik ko ang tingin ko kay ate Cami. Nagtaka ako nang makitang naniningkit ang mga mata niya.

"6 lang kami kanina sa loob ng café nung pinasok kami ng mga lalaking naka-itim na mukhang bisugo." Sabi ni Ate Cami. "Bilang ko yung customers ko Cy alam mo 'yan." Sabi niya pa.

"Eh baka naman nag-cr siya hindi mo lang napansin?" Ani ko.

"Sarado yung cr. Naka-lock, nakay Dylan yung susi." Ngumiwi ako at tumingin kay kuya Dylan na nagkamot-ulo lang.

"Sorry na kasama kasi sa susi ng café yung susi sa cr eh." Sabi ni kuya Dylan.

"Hmm,e h nahanap siya kanina nung mga lalaki sa loob eh..." Sabi ko at muling tumingin kay Cleo. Posible kayang...

Hindi. Imposibleng sumunod siya saamin, imposible rin naman na kasabwat siya ni Tres...oh baka naman, pwedeng possible ang isa sa mga nabanggit kong dahilan?

I sighed. God, I didn't know this is going to give me a headache.

"Ate...huy ate." Nabalik ako sa kasalukuyan nang kalabitin ako ni Renz. "Tara na daw po sabi ni kuya Ice. Hanap na daw po tayo ni sir." Sabi niya.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now