𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻𝟷

1.8K 97 5
                                    

CJ's POV:

"CJ...gising na."

"5 minutes." I mumbled and covered myself with the blanket.

"CJ tapos na ang 5 minutes. Bangon na."

"10 minutes Clover." I mumbled. "Yah!"

Sinamaan ko ng tingin ang nakangising si Ice na siyang humila ng kumot ko.

"Bumangon ka na diyan. Gising na ang lahat ikaw nalang ang hindi." Sabi niya.

"Tang*na mo!" Sigaw ko sakaniya. Biglang nag-init yung pisngi ko ng mag-replay ang nangyari kagabi.

Shet stop it! Mama ayoko na!

"Pfft. Bumangon ka na kasi jan." Natatawang sabi ni Riu.

"Ano bang nangyari sayo kagabi at parang puyat na puyat ka?" Tanong ni Allan.

"Wala! Walang nangyari kagabi! Wala!" Sabi ko at mabilis na tumayo. Tiningnan ko ng masama si Ice at inirapan. Kinuha ko yung bag ko tsaka nagtungo sa cr.

"Mauna na kayo sa baba. Susunod ako." Sabi ko at sinara yung pinto. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa at pagsara ng pintuan.

Matapos maligo ay nagsuot ako ng black mock-neck cropped top, yung blazer namin, black jeans at white sneakers.

Dala ang bag ay bumaba ako at sinalubong sila Jas.

"So? Dala mo ba?" Excited na tanong niya. Bumuntong hininga ako at inangat ng kaunti yung blouse na sinasabi niya. Napapalakpak siya at nag-ayang bumaba na.

"Kumain na muna kayo then tsaka tayo aalis." Sabi ni Steve. Lahat kami ay nagpunta sa kusina para kumain ng almusal.

"The kids?" I asked.

"Hinatid na sila ni May." Sagot ni Steve. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Okay Forxians I want you to be on your best behaviors. Especially you, Section 5. Ayaw nating mapahiya ang Stanforx, lalo na si Mr. Ford sa mga Monasterians." Sabi ng head teachers.

"Yes maam." Sabay sabay na sagot namin.

Matapos kumain ay nagpaalam muna ako kay manang Estelita tsaka sumakay sa bus. Maingay ang bus dahil sa excited na pagkukwentuhan ng mga students. Pero ako nanatiling tahimik. Pinakikiramdaman ang paligid. Hindi rin mawala sa isip ko yung sedan kagabi.

At mas lalo na yung ginawa ni Ice

I mentally slapped myself for thinking that scene. For goodness' sake Cyan Jade, you're just 16 and you're already kissing a guy!

And worse, it's my first kiss! F*ck!

"Huy ano diyan ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad ng hampasin ako ni Kyle. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan.

"Hindi kailangan mang-hampas!" Inis na sabi ko at inunahan siya sa pagbaba. Saktong pagbaba ko ay bumungad agad saakin ang napakalaking itim na gate. Naka-imprenta dito ang pangalan ng academy.

MONASTERIO ACADEMY

"You ready?" Napatingin ako kay May na nasa tabi ko na pala. She smiled at me and held my hand. "Don't worry, Pinuno. We got you." She said.

I smiled at her and looked at the gate again. I inhaled deeply and walked inside.

As soon as I landed my feet inside, I felt shivers down my spine. I gulped and shrugged the feeling off.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now