S5's Halloween Vlog (A Halloween Special)

1.5K 79 5
                                    

Third Person's POV:

"Hoy ano na? Tuloy pa ba?" Tanong ni CJ sa mga kumag. 

"Bahala kayo diyan basta di na ako babalik doon." Ani Kyle. 

"Kalalaking tao duwag amp!" Ani CJ at inirapan si Kyle.

"Sinong duwag? Tara na nga ang babagal hindi naman halatang mga takot." Sabi ni Kyle at nangunang maglakad. 

"Wait lang itong Kyle-langot na 'to masyadong excited. Magi-intro muna tayo!" Sabi ni CJ at hinila pabalik si Kyle.

"Bilisan niyo at may curfew kami." Sabi ni Dev.

"Ikaw lang pre 'wag mo akong idamay." Sagot ni Mykell kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Dev. 

"Umayos na nga kasi para makapag-intro na." Saway ni Clover. Umayos naman ang lahat kaya inayos narin ni CJ yung camera at pinindot yung record button.

"What's up mga ka-section!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat. 

"Nagbabalik ang inyong fave vlogerist ng section 5, syempre walang iba kundi si--" 

"Hi guys pasingit!" Biglang sumilip sa camera si Kyle kaya't nakatanggap siya ng hampas mula kay CJ. 

"Manahimik ka nga! Ayun na nga mga ka-section nagbabalik si mareng Cyan Jade, together with the kumags!" Nilayo ni CJ ang camera upang makita lahat ng mga kaklase niya, bago muli itong nilapit sakaniya. "So for today, or should I say, for tonight--" Muling naputol ang pagsasalita ni CJ anng sumingit naman si Renz.

"Wow englisherist. Sanaol!" Mabilis na lumayo ang batang kumag bago pa man siya makatanggap ng hampas. 

"King*na niyo umayos kayo!" Singhal sakanila ni CJ. Imbis na umayos ay pinagtawanan lang siya ng mga ito.

"Language, Montefalco."

"Ay guys! Kasama nga pala namin ang gwapo naming tatay, si Sir Kylo! Sir hi ka sa mga ka-section!" Ani CJ at hinarap kay sir Kylo ang camera ngunit nag-iwas lamang si sir ng tingin. 

"Ay si sir shy type. Anyways, ayun na nga ang gagawin natin para sa gabing ito, dahil halloween ngayon, naaalala niyo yung gymnasium ng Stanforx? Ayie may idea na kayo 'no?" Ngumiti si CJ at hinarap kay Ice ang camera. Tinaasan lang ni Ice ng kilay si Cj kaya pinandilatan siya ni CJ. Bumuntong hininga siya bago sinabi ang line niya.

"Yeah yeah lilibutin namin yung gymnasium na lubos na kinatatakutan ni CJ." Sinamaan siya ng tingin ni CJ dahil wala iyon sa line niya.

"Parang hindi nakitakbo noon ah?" Sarkastikong saad ni CJ bago muling hinarap sakaniya ang camera. "Gaya nga ng sabi ni Ice, lilibutin namin yung gymnasium ngayong gabi. At patutunayan ko sainyong lahat pati na rin sa mga kumag na 'to, syempre exempted si Sir hehe. Patutunayan kong hindi takot sa mga multo ang isang Cyan Jade Luhence Zia Montefalco!" 

"Weh tologo boh?" Pang-aasar ni Klarenz. 

"Talaga!" Proud na sagot ni CJ. may kumalabit sakaniya kaya nilingon niya iyon. Halos mabagsak niya ang camera dahil sa gulat.

"Ay anak ng king*nang g*go!" Naisigaw niya dahil sa gulat. Paano ba naman kasi saktong paglingon niya at tumalon sakaniya si Renz na nakabalot sa puting kumot. 

"Hindi pala takot sa multo ah." Kantyaw sakaniya ni Riu. Sinamaan siya ng tingin ni CJ at inambaan.

"Sinong hindi matatakot eh mukha palang nakakatakot na?" Sarkastikong sagot ni CJ. "Bahala nga kayo diyan." Inis na saad ni Cj at naunang maglakad. Kaso bumalik rin agad nang may makalimutan.

"Oh, atras agad?" Asar ni Leo. 

"Ha asa ka. Nakalimutan ko lang yung ring light ng camera paano nila makikita kung madilim, diba?" Sagot ni CJ at kinuha yung ring light na hawak ni  Riu. "Let's start the trip mga ka-section!"

Naunang pumasok sa gymnasium si CJ, kasunod si Sir Kylo at ang mga kumag. May kalawakan ang gymnasium na kanilang lilibutin. 

"CJ sino yung nasa tabi mo?" Bulong ni Luis.

"Ul*l 'di mo ako maloloko." Nakangising sagot ni CJ. 

"Ate ako an magca-camera!" Hyper na pagpe-presinta ni Renz. Ngumiwi naman si CJ bago binigay iyon sa bata.

"Ayusin mo ah mamaya niyan hindi nanaman ma-record nako sinasabi ko sayo." Banta ni CJ.

"Hindi na nga mauulit eh! Kasalanan ko bang epic fail yung prank mo." Nakangusong saad ni Renz at nilibot yung camera. 

Kanya-kanya silang may hawak na flashlight. Patuloy lamang sila sa paglilibot ng biglang may kumalabog. Sabay-sabay nilang tiningnan ng masama si Kyle na nakasipa pala nakatabing instruments doon. 

"Hehe. Sorry." Ani Kyle at nag-peace sign. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may kumalabog nanaman ulit.

"Kyle tantanan mo nga 'yang mga gamit diyan." Saway ni Riu.

"Riu pre, andito ako." Inilawan niya ang pwesto ni Kyle. Malapit na siya kay CJ ngayon, malayo sa mga gamit. Ipinagsawalang-bahala niya iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad. 

"Bakit parang annginginig kana diyan?" Muntik anng mapatili si CJ nang biglang may bumulong sa tenga niya. 

"King*na naman Ice eh!" Singhal ni CJ at sinuntok sa braso si Ice. Parang wala itong epekto sakaniya dahil tinawanan lamang siya nito.  

"Tch. Matatakutin." Ani Ice at inakbayan si CJ. Siniko siya sa tagiliran ni CJ, ngunit hindi parin tinanggal ni Ice ang pagkaka-akbay sakaniya.

"Ay, parang hindi ata halloween ngayon. Valentines ata, ang sweet masyado eh." Pagpaparinig ni Marc. 

"Oo nga pre." Pagsang-ayon naman ni Uno. 

Hindi sila pinansin ni CJ at patuloy lang sa pag-iikot. 

"So ayun guys mukhang matiwasay--" Napatigil siya sa pagsasalita at sa paglalakad, pati narin ang iba, nang makarinig sila ng malakas na kalabog.

"Hoy sabi nang tantanan yung mga gamit diyan eh." Sabi ni CJ.

"Cy, andito kaming lahat." Inilawan ni CJ ang pwesto ng bawat isa. Napalunok siya nang makitang malayo sila sa mga gamit. 

"Hoy ano ba umayos kayo." Sabi niya. Sabay-sabay nilang inilawan ang isang gilid nang makarinig sila ng kaluskos doon. 

Halos mamutla silang lahat nang makitang may nakatayo doon.

"T-tara na." Bulong ni CJ. Napahawak siya sa kamay ni Ice nang mahigpit dahil sa takot. 

King*na si ate gurl ulit na nagpakita saakin noon! Sa isip-isip ni CJ. 

Napasigaw silang lahat ng bigla itong humarap sakanila. 

"P*tang*na takbo!"

"Wah! mama!"

"Ayoko na tang*na!"

"Gag* 'wag niyo akong iwan!"

Napatigil sila sa pagtakbo nang biglang bumukas ang ilaw ng buong gymansium. 

"Hay nako. Mag-aayang maglibot, pare-pareho rin namang takot." Natatawang saad ni Sir na nakatayo malapit sa switch ng ilaw. 

"Wah sir!" Naiiyak na sigaw ni CJ at patakbong nagtago sa likuran ni Sir Kylo. "Sir trip talaga ako nung babae! Hindi ko naman sinasadyang masapak eh!" Naiiyak na saad ni CJ. 

"Hala ka hindi ka na lalayuan niyan. Sinapak mo kasi." Pang-aasar ni Sir Kylo.

"Sir naman eh!"

Meanwhile...

"At dito na nagtatapos ang vlog namin. Please hit the vote button and add this to your library para updated kayo everytime may bagong chapter si ms. A! Maraming salamat mga ka-section! Hanggang sa muli!"

"Okay takbo na ulit wah!"

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now