Chapter 80

1.3K 63 22
                                    

Happy Reading!!

--------------

CJ's POV:

Kinagabihan pagbukas ko ng pintuan ay napakatahimik ng paligid. Luminga-linga pa ako upang makita kung may nagmamanman ba. Tumingin ako sa napakalaking wall clock na nasa dulo ng hallway. 6 p.m. palang. Nagpaalam na ako kay Kath na hindi ako makakapasok dahil naka house arrest ako. Nung una ay tinawanan niya pa muna ako bago pumayag.

Napakatahimik. Maganda sa pandinig, ngunit hindi maganda sa pakiramdam.

Pagsilip ko din sa ibabang floor ay nakapatay na ang mga ilaw. Dinner starts at 7 p.m. at alam kong sa mga oras na ito ay naghahanda na ang mga bakulaw kong pinsan. So himala at maagang nagpatay ng ilaw sa ibaba.

Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid ay nagpatuloy ako sa pagbaba. Malapit sa main door namin ang papuntang kusina. Ang dahilan lang naman kung bakit ako lumabas ay para uminom ng tubig. At magmanman na din hehe.

Halos malaglag ang puso ko nang biglang may kung anong bagay ang gumawa ng napakalakas at tinis na tunog, kasunod ng pagbukas ng mga ilaw. Hindi ko alam kung ano ang una kong tatakpan, yung tenga ko ba dahil mabibingi na ako, o yung mata ko dahil mabubulag na ko sa pagkasilaw.

"Sabi ko na nga ba at susubukan mong tumakas. Hindi talaga kami nagkamali." Nung una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kung sinong walanghiya iyon hanggang sa naisipan nitong patayin yung tunog.

"Ha? Ano? Paku-ulit." Ani ko habang kinakamot yung tenga ko at kinukusot ang mga mata ko. OMG! Am I going to suffer from temproray blindness and deafness? No!

"Ang sabi ko hindi kami nagkami at susubukan mo nga talagang tumakas!" Bulyaw ni KZ kaya napangiwi ako. Ay hindi pala ako sa tunog mabibingi. Sa boses pala ng hudas kong pinsan.

"Ano kamo?!" Inis na tanong ko. "Huwag kang sumigaw leche. Hindi ako bingi!" Pahabol ko pa.

"Anak ng–ang sabi ko tatakas ka!" Galit na singhal nanaman niya.

"Wha–I was going to get a glass of water you d*mb*ss!" I shouted at him and I swear I want to hit him hard on his face.

"You have a fridge in your room, Cy." I looked at ate HZ with disbelief.

"Yeah. But it doesn't have water." I answered using my "it's-to-obvious" tone. She glared at me because of that.

"Don't use that tone to me young lady." She sounded like my aunt.

"Eh kasi naman eh. Para sa tubig?!" Inis na saad ko at pinagkrus ang braso ko.

"Sa kusina ka pala pupunta bakit malapit ka sa main door–"

"Alam mo KZ hindi naman sa pagiging laitera, pero uso gamitin yung utak. Andyan 'yan sa ulo mo for a reason. Huwag mong tapakan. Gamitin mo. Nakikita mong mas malapit ang daan dito dahil andito lang yung hagdan." Sagot ko at tinuro yung daan. "Huwag mong isabuhay ang pagiging b*bo ha? Hindi 'yan makakatulong sa pagtanda mo." 

"Eh–"

"Ehtlog. Manahimik ka na. Iinom lang naman ako ng tubig tapos babalik na ho ako sa kwarto ko mahal na prinsipe kung kaya't huwag ka nang tumalak diyaan dahil para kang tandang na mahilig pumutak." Pigil ko sakaniya bago pa man siya makapagsalita ulit at humaba pa ang usapan.

Mabuti naman at marunong makiramdam itong tukmol kong pinsan at nanahimik na. Tahimik nalang din akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig dahil kanina pa talaga ako nauuhaw.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now