𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟽𝟷

1.6K 99 19
                                    

CJ's POV:

"Earth to Cyan Jade?"

"Sabog nanaman ata si ate."

"Baka gutom?"

"T*nga kakakain lang diba?"

"T*nga ka din! Minura ba kita?"

"Oo! Ayan nga oh! Kakasabi mo lang."

"Kapag hindi talaga kayo nanahimik isa-isa ko kayong sasalpakan ng papel sa bibig." Banta ko. Agad naman silang nanahimik at nagsisihan pa. Inirapan ko sila at bumalik sa pag-iisip.

Kanina ko lang kasi na-realize. Yung lalaking muntik ng makabangga sa kotse ko at yung lalaki kagabi ay iisa. Oo lutang ako sensya na. I mean alam kong siya yun, pero kasi nga kanina ko lang napagtanto. Ewan ko ba. Sa dami na ng iniisip ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin at kung ano ang iintindihin pisti.

"Ice! Look oh, remember this? We went here nung 1st anniversary natin, diba?" Ayan. Isa pa yan. Iniisip ko kung wala bang pasok 'tong babaeng 'to at ginawang tambayan ang classroom namin.

"Dahan-dahan sa pagtitig. Baka malusaw. Sige ka wala ka ng mapapakasalan." Bulong saakin ni Riu kaya binatukan ko siya.

"Manahimik ka diyan at matulog nalang." Bulong ko din at muling tumingin sa harapan. Oo sa harapan, hindi sa gilid. Dahil baka makikita ako ng naglalampungan este ang-uusap na hayop—I mean tao.

"Ayoko nga. Lalo na't ako ang naiilang diyan sa pagtitig mo sakanila." Bulong niyang muli.

"Hindi ko sila tinititigan. Tinitingnan ko lang. Magka-iba yun." Bulong ko rin.

"So kapag tiningnan kita ng saglit, titig ang tawag dun? Tapos kapag tiningnan kita ng matagal, tingin ang tawag?" Bulong na tanong niya. "So kapag tumango ako, ang ibig sabihin nun hindi tapos kapag umiling ako ibig sabihin oo?" Tiningnan ko siya ng masama at muling hinampas. G*g*ng 'to talaga.

"Alam mo Riu malapit na kitang sapakin." Bulong ko sakaniya at inirapan siya.

"Okay lang basta may kiss." Bulong din niya at nag-taas baba pa ang kilay.

"Bakit kayo nagbubulungan? May sikreto ba?" Biglang sabat ni Kyle pero pabulong din.

"Ano bang plano? Saan itatanim ang bomba?" Sabat din ni Renz.

"Ewan ko dito sa kwagong 'to." Pabulong na sagot ko sabay itinuro si Riu.

"Ano kamo? Kwago? Sa gwapo kong 'to, tatawagin mo lang akong kwago? Eh kung sabihin ko kaya yun sa mga fangirls ko?" Biglang bumalik sa dati ang boses ni Riu kaya narinig ng lahat at humagalpak ng tawa.

"Sabihin mo. Gusto mo ako pa mismo magsabi eh." Sagot ko at sumandal sa upuan ko.

"Hoy ang kapal neto. Tatawagin mo akong kwago matapos mo akong pangakuan ng date na hanggang ngayon hindi pa din natutupad." Nakasimangot na sumbat niya.

"Hala lagot!"

"Awts peyn pre!"

"Pangakong napako tawag diyan pre!"

"Si CJ di marunong tumupad sa usapan!"

"Sampalin ko yang bunganga mo, want mo?" Sarkastikong tanong ko sa huling nagsalita. "Marunong akong tumupad sa usapan 'no. Sadyang wala lang akong mahanap na time." Paliwanag ko kaya lalong lumakas ang pang-aasar nila.

"Ayun lang. Payag ka nun pre wala daw time sayo?"

"CJ niyo busy person. Businesswoman yan?

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now