𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟺

1.8K 96 6
                                    

CJ's POV:

"Kaunti nalang iisipin kong nasisiraan ka na ng bait diyan." Sumimangot ako at muling sumubo ng ice cream tsaka bumuntong hininga.

"Wag kang epal diyan." Ani ko at tumitig sa kung saan.

"Oh ayan, tulala ka nanaman." Sabi niya at sinundot ang pisngi ko. "Siguro nung pinagbubuntis ka ng nanay mo lagi rin siyang tulala." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo Clover, malapit na kitang ihulog." Sarkastikong saad ko. Itinaas niya ang dalawang kamay niya tsaka tumawa.

"Chill. Ito naman hindi mabiro. Eh bakit nga kasi tulala ka?" Tanong niya.

"Eh kasi nga..." Pabulong na sagot ko. "Clover." Pagtawag ko sakaniya.

"Oh?" Sabi ni Clover ng hindi tumitingin saakin.

"Uhm kung ikaw tatanungin, uhm halimbawa, uhm..." Hindi ko matapos-tapos ang gusto kong sabihin dahil hindi ko mahanap yung right words!

"Uhm lang naiintindihan ko dun Cy." Sabi niya at tumawa. Bumuntong hininga ako.

"Okay sige ganito kasi yun. May frennie si ako. Tapos nagsabi siya sakin na naguguluhan daw siya 'bout sa feelings niya." Sabi ko. As if that caught his attention, so he looked at me, slightly raising one of his brows. "There's this guy who kept on giving her mixed signals. Hindi naman sa umaasa siya, pero iba yung pakiramdam niya sa tuwing malapit iyong guy sakaniya, kapag nakakausap at nakikita niya yun. Kumbaga nagiging abnormal yung lamang-loob niya. De char yung puso lang. Kapag buong lamang-loob edi patay na siya, diba?" Ani ko sabay habol ng biro. He chuckled.

"Oh tapos?" Sabi niya.

"Tapos sa tuwing may kasama iyong guy na iyon na iba, parang may kumukurot sa puso niya, and iniisip niya baka raw may nakapasok na langgam sa arteries niya." Sabi ko pa. Natawa siya dahil doon.

"Serously?" Natatawang sabi niya. "Oh, natanong mo ba kung bakit hindi nalang siya umamin sa guy na iyon?" Tanong niya.

"Eh kasi nga may mixed signals! Tapos hindi rin siya sure kung single ba talaga or taken itong guy na 'to dahil nga sa gulo ng buhay este utak, este ugali, ay mali. Dahil nga sa gulo ng relasyon nitong guy." Sabi ko. "At tsaka isa pa, dahil nga rin sa ugali." Dagdag ko pa.

"Hmm bakit masyado bang mabait?" tanong niya.

"Tch. Iyong lalaking 'yon? Masyadong mabait? Huh I'll believe it when pigs fly. Bully yung lalaking 'yon! Bully! Mapang-asar, magulo, mas magulo pa nga ata sa buhay ko, mayabng, mahangin, hari ng mga kumag, at higit sa lahat isa siyang yelong kumag!" Inis na saad ko at tinignan ng masama ang puno na nasa harapan namin.

Ayain ko kaya 'tong makipag-sapakan?

King*nang bulate sa utak mga walang dulot.

"Sounds like Ice." Sabi ni Clover.

"Mismo! Nadali mo, Clover! Tama ka diyan! Iyong king*nang Ice na yun napakagulo! Sh*ta honestly hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa hari ng mga kumag na 'yon! Isa siyang—" Napatigil ako sa pagsasalita.

Oh no...Oh my f*cking no!

"So, you're talking about Ice? And the friend is...you?" Agd kong dinamba si Clover at tinakpan ang bibig niya.

"Not a word, Clover. Wala kang narinig, okay? Wala kang nalaman. Please wala kang pagsasabihan about dito." Sabi ko at pilit na tinatakpan ang bibig niya. Pilit rin siyang umiiwas.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now