𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟶

2.1K 108 3
                                    

CJ's POV:

"CJ pupunta ka cafeteria?" Tanong ni Mykel. Oh diba kabisado ko na pangalan ng mga kumag na toh.

"Bakit?" Tanong ko. Ngumiti lang siya at inabot sakin ang pera niya.

"Makikisuyo ako. Bili mo ko nova tsaka coke." Sabi niya sabay talikod. At dahil dakilang gaya gaya ang mga kupal, nakipabili na din.

"Ako din CJ!"
"Ako din makikisuyo."
"Pakibili ako ng siomai rice."

"Ang kapal talaga ng epidermis niyo noh?" Sarcastic na tanong ko. At dzaii, aba mga proud pang tumango. Inirapan ko lang sila at lumabas na.

"Tulungan na kita Ate." Sabi ni Renz at sumama saakin. Tinawag naman siya bigla ni Ice.

"Renz! Bumalik ka dito kaya na niya yon. Maglalaro daw." Sabi ni Ice pero umiling si Renz.

"Mamaya nalang kuya. Tulungan ko muna si Ate." Sabi nya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating ng canteen, putspa ang daming nakapila!

Agad kong hinila pabalik si Renz nang makitang sisingit sana siya.

"Hep hep hep! Bata dito tayo sa likod. Masama ang pagsingit." Sabi ko. Napakamot ulo nalang siya.

"Tabi! Tumabi tabi kayo jan! Ang magaganda dapat ang nasa unahan ng pila!" Napairap ako nang marinig ko ang boses ni conyong Astrid.

"Diba I said tabi? Why you still tayo there?" maarteng tanong niya saamin ni Renz. Hindi ko siya pinansin at nakatingin pa rin sa harapan. Akmang aalis yung babae na nasa unahan ko pero hinarangan ko siya.

"Gaano ka katagal naghihintay?" Tanong ko dun sa babae.

"M-mga 30 minutes na din." Sabi niya. Kinakabahan siyang tumingin kay Astrid.

"30 minutes. Diyan ka lang. Sayang yung 30 minutes kung may papasingitin kang bruha." Sabi ko. 'Don't worry. Ako bahala sayo." Sabi ko pa bago humarap kay Astrid.

"I don't care if you're the daughter of the Academy." Sabi ko dahil alam kong ipagyayabang nanaman niya yun. "What you gonna do? Papa-expel mo ko? Papa-suspend? I don't give a fuck. Basta pumila ka ng maayos. Dun sa likod ang pila. Hindi sa harap, hindi sa gitna. Sa dulo." Sabi ko. Halatang napahiya naman siya.

"My dad will hear about this. I'll make sure na hindi ka na makakaapak pa sa cafeteria na toh." Sabi niya at pumila sa likod. Nag fist bump lang kami ni Renz.

"Oh, iha, anong sainyo?" Sabi ni ateng nagtitinda.

"Isang nova, isang potato chips, isang moby, 2 tempura, tapos 5 coke at 13 na sprite ate. Tapos ano pa po pala 5 siomai with rice and 10 longganisa with rice." Sabi ko.

"Nako ineng ikaw lahat magdadala neto?" Tanong nung kasama ni ate na lalaki.

"Hindi po. May kasama po ako—" Paglingon ko sa tabi ko, nawala si Renz!

"Hehe mukhang ganun na nga ateng. PInaglihi kasi sa kapal ng epidermis mga kaklase ko eh." Sabi ko. Nagtawanan naman sila dun. Gusto sana ako tulungan nung isang kasamahan nila pero tumanggi ako. Sa lakas ba naman ng saltik sa utak ng mga kaklase ko, baka matakot si ate sakanila.

Gamit ang dalawang kamay ko, sa isa hawak ko ang plastic bag na may lamang chips at coke. Tapos sa kabila naman yung tray.

At kung minalas malas ka nga naman at makakasalubong mo ang isang impakta, mapapa-letse ka nalang.

"AYYYYY!! Napaigtad ako ng maramdaman ang pagbuhos ng malamig na likido saakin. Tiningnan ko ng masama si Astrid na tuwang tuwa sa ginawa niya.

Proud pa ang gaga.

Gantihan na yan! Sapakin mo sa ilong.

Mga basagulerong uod! Bad!

Buti nalang hindi nalagyan yung mga dala kong pagkain. Nagmamadali akong umakyat pabalik sa room namin.

Pagdating ko, halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

N-nagla-lunch na sila.

"Guys." Sabi ko. Lahat naman sila napatigil sa ginagawa nila at tumingin saakin.

"Eto na yung pagkain niyo." Sabi ko.

"Wag na. May baon pala kami hehe." Sabi ni...Luis? Oo tama Luis.

"Ang bagal mo kasi." Kumento ni Ice.

Posible bang kumulo yung dugo? as in kulong-kulo? Kasi pu-tang-ina kumukulo ng todo yung dugo ko!

"Eh anong gagawin ko dito?" Tanong ko sabay taas ng dala dala ko.

"Ewan ko." Sabi niya. Kung nakakasunog lang ang tingin, punyeta nag-liliyab na siguro itong buong classroom.

"Alam mo, putangina mo talaga." Sabi ko at bumalik sa canteen.

"Ate!" Sigaw ko. Nakuha ko ang attention ng lahat pero hindi ko iyon pinansin.

"Oh iha baket?" Tanong naman nila Ate.

"Pwede po ba ito ibalik? Kahit etong mga kanin at ulam lang po sana. Mga hinayupak po kasi mga kaklase ko may mga baon naman pala." Sabi ko. Sasagot sana si Ate kaso may sumabat na epal.

"No ate. Huwag niyo anng tanggapin ulit yan. Baka mamaya may germs na yan ng mga section 5. Mga dugyot pa naman yun." Sabi ni Astrid. Matalim ko siyang tiningnan.

"Shut the fvck up! Trust me, you're not helping in my damn situation. Mainit na ang ulo ko. Wag mo nang palalain." Sabi ko.

"N-namumula po yung tainga niyo Ms." Sabi nung isang student na nakapila. Automatic akong napahawak sa tainga ko. Tinalikuran ko nalang sila at muling humarap kay Ate.

"Ate please po. Hindi ko po alam ang gagawin ko dito eh. Hindi na po makakain nung mga um-order kasi may baon po sila. Hindi pa naman po ito nagagalaw eh." Sabi ko. Tumango nalang si Ate at kinuha yung tray Pagkatapos ay binalik sakin yung ibinayad ko kanina.

"Sige na iha. Ayos lang." Sabi ni ate habang nakangiti. Tumango ang ako at dere-deretsong lumabas sa canteen.

Pagbalik ko sa room, ang mga demonyo nagtatawanan.

'You should have seen her face. HAHAHAHA" Tawang-tawa na sabi ni Mykell.

"Yeah. It's epic lol." Sagot naman ni Luis.

"What's next, Ice?" Tanong naman ni Klarenz.

"You know what's next? Me going to punch your faces." Sabi ko. Nagulat sila at napatigil sa pagtatawanan.

"You think that's damn funny?! Guys nabuhusan ako ng juice sa cafeteria! Pero binaliwala ko yun para maihatid agad sainyo yung mga pagkain niyo! Tapos malalaman kong prank lang?! Nung nagpa-ulan siguro ng kagaguhan, nasa baba kayo nagsi-swimming." Sarcastic na sabi ko.

"Ate..." sabi ni Renz sabay kalabit saakin.

"Saan ka galing?!" Galit na tanong ko. Halata namang natakot siya kaya kinalma ko ang sarili ko.

"H-hinila nila ako eh. Sabi prank lang daw. Akala ko alam mo na kaya di na ako bumaba ulit." Sabi niya. Tiningnan ko si Ice ng masama.

"Salamat sa concern ha. Tangina mo paniwala na sana akong concern talaga kayo sakin dahil sa ginawa niyo kagabi. Ewan ko kung anong makukuha niyo at sinabi niyo pa kela kuya yung nangyari. Pero isa lang ang nasisiguro ko, mga gago kayo at mananatili na kayong gago." Sabi ko at lumabas sa room. Kaso automatic din an napabalik sa loob nang makita si Ms. Fuhla na papasok.

"Where do you think you're going? Go inside. Now!" Sigaw niya. Pasimple akong umirap bago pabalibag na binuksan ulit ang pinto at pumasok.

(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now