𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟽

1.9K 94 3
                                    

CJ's POV:

"CJ! May naghahanap saiyo!" Sigaw ni Kyle. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

"Yesh?" tanong ko kay Ikay na mukhang haggard na haggard na.

"This is Tobey, team captain ng Forx warriors basketball team. Kailangan ka niyang makausap." Sabi niya.

"Pasok kayo." Sabi ko at in-open ang pintuan ng room namin. Nang pumasok sila ay tumahimik ang lahat ng mga classmates ko.

"May kuryente na kayo?" Gulat na tanong ni Ikay. Tumango lang ako bago hinarap si Tobey.

"Cyan Jade. What is it you wanted to talk about?" Tanong ko. Nakipag kamay ito saakin bagao nagsalita.

"Our team is short of members. Kailangan namin ng isa pang member para makapaglaro bukas. Wala na kaming makuha sa ibang section. Ayaw ng team mates ko pero we have no choice. Kailangan ka namin." Sabi niya.

"Ha? Hindi ba bawal yun?" Tanong ko.

"Oo. But we don't have a choice. Madumi rin maglaro ang kalaban namin." Sabi niya.

"Madi-disqualify kayo. Makuha niyo man ako o hindi, and endgame parin nun ay hindi kayo makakapaglaro." Sabi ko. Tumingin ako sa mga kaklase ko nang dumapo ang tingin ko kay Marc. "Pero may kilala akong makakatulong sainyo." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin kay Marc.

"Ipasok niyo si Valles sainyo." Sabi ko.

"CJ nahihibang ka na ba?"
"May section 1 sa team nila."
"Nasa team pa rin nila si Brandon. Paniguradong magkakagulo nanaman pag naglapit yung dalawa."

"Oo nga. Tama. Valles!" Pagtawag niya kay Marc. Takang tumayo si Marc at lumapit saamin. Lumabas silang dalawa para mag-usap.

"So...may tanong din pala ako. Papatulong lang ako sa step namin para sa dance competition." Sabi niya.

"Loh baka nakakalimutan mong magkalaban tayo ano?" Natatawang sabi ko.

"Pleaaseeeeee. Nahihirapan kasi ako dun sa step na yun." Sabi niya. Tumango nalang ako kaya sinimulan na niyang ipakita saakin yung aprt na nahihirapan siya.

"Ano masasabi mo?" Tanong niya.

"Palitan. Palitan mo dahil hindi tugma yung step sa counting." Sabi ko. Itinali ko ang buhok ko tsaka tumayo ng deretso.

"Shoulder stance lang. Then extend your right arm and half lang yung left. Nakaturo lang dapat sa iisang direksyon. Then vice versa. After that helicopter hand na paikot. Isunod mo yung katawan mo. Bale magumpisa ka sa down left mo, lean down sa baba, pataas papunta sa right. Then dun sa tatlong beat sa dulong part, Strike any pose. Kada beat, pose." Paliwanag ko habng ipinapakita sakaniya yung step. "You try." I said. Tumango siya at ginawa ang sinabi ko.

"Ganon?" Tanong niya ng matapos siya. Tumango ako kaya napatili siya at padambang yumakap saakin.

"Madaming thank you! Pramis bibilhin ko na talaga yung mga pikachu keme mo." Sabi niya kaya ngumiwi ako.

"Mahaba na ang listahan mo saken Ikay. Kailangan bago mag birthday ko maibigay mo na saakin yun." Sabi ko kaya tumawa lang siya at tumango.

"Tara na AZ." Sabi ni Tobey. Nagpaalam silang dalawa at umalis. Agad akong lumapit kay Marc na may hawak nang jersey.

"So?" tanong ko. Ngumiti siya at itinaas yung jersey.

"May kasunduan kami. Kapag naipanalo namin yung game na ito, kakausapin niya si coach para ibalik ako sa team." Sabi niya kaya ngumiti ako.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now