Chapter 86

298 18 3
                                    

CJ's POV:

Nagtitinginan kaming lahat, nagtuturuan ng kung sino ang sasagot. Tumingin ako kay Clover at sinenyasan siya, pero tumingin siya kay Riu at parang ipinapasa sakaniya ang responsibilidad. Ang galing.

"CJ?" Tawag saakin ng tatay kong siguro ay halos limang minuto nang nag-iintay ng sagot. Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko rin ano ang sasabihin.

Edi sabihin mo andito kasi trippings.

Mali, sabihin mo nalang makikitulog kasi mga napalayas kaka-cod.

Hindi po nakakatulong. Siguro dapat lang talaga ipapurga ko na kayong mga bulate.

"Ano po kasi..." Argh! Wala talaga akong maisip ano ba! "Group project."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Sabi na eh. Hindi gagana. Gasgas na gasgas na siguro yung group project na palusot.

"Ewan ko rin bakit sila andito." Sabi ko at tiningnan sila. Ang iba ang nag-iwas ng tingin, yung iba nakayuko, yung iba parang wala lang at bumalik pa talaga sa pagkakahiga sa sahig. Hindi ko naman sinasabing si Klarenz at Kyle yun, pero parang ganun na nga.

"Hey—HEY! What the hell?!" Napangiwi ako nang sumigaw si kuya BZ. Gulat na gulat ang kuya niyo. Nanlalaki pa ang mata at butas ng ilong. "What are these boys doing in your room, Cyan Jade?"

"We visited her." Salo ni Clover. Kanya-kanyang oo naman ang mga tukmol. Tanging pag-iling nalang ang nagawa ko at muling tumingin kela Dad at kuya BZ.

"She's not sick or anything. You didn't have to visit her." Biglang sulpot ng pinsan kong pinaglihi sa lahat ng sama ng loob. Mataman niyang tiningnan ang kabuoan ng kwarto ko at ang mga tao sa loob nito.

"Kailangan bang ma hospital muna ako bago nila ako dalawin aber? Mga nagkakasakit lang ba dapat ang pinupuntahan?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin. Papansin! "Oh 'wag ka na rumebat." Ani ko nang makitang akmang bubuka ang bibig niya. Tanging pag irap na lamang ang nagawa niya bago bumaling kay kuya BZ na para bang sinasabi niya na gumawa ito ng paraan.

Kapit kay kuya BZ!

"Well I guess you're gonna have to spend the night here, everyone. It's too late para pauwiin kayo." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti nang maalala na hindi pa nga pala kami bati ng ama ko. Sa halip ay tumango na lamang ako at mahinang nagpasalamat. "Blake ipalinis mo ang guest rooms-"

"Tito the maids are gone. Off po nila bukas kaya umuwi na sila ngayong gabi." Agad na sagot ni kuya BZ. Bumuntong hininga na lamang ang tatay ko at muling inisa-isang tignan ang mga tukmol. Puro pagpa-pacute naman ang ginawa nila kaya hindi rin napigilan ng tatay kong matawa sa mga mukha nila.

"Well if that's the case then they'll sleep here. Basta't sa sahig kayo. Hahayaan ko kayong isara ang pintuan pero hindi lapat, leave at least an inch and a half gap. I'll be trusting you boys but be warned, oras na may ginawa kayong kalokohan, ipapalapa ko kayong lahat sa alaga naming wolfdog. I'm not joking." Seryosong saad nito. Kaniya-kaniyang tango ang mga g*go na para bang maaamong tuta. Tumango na lamang si Dad at inaya na si kuya BZ na bumaba. Kuya BZ glared at them and pointed at them as if saying na 'umayos kayo' before following Dad.

Gusto pa sanang umalma ni KZ pero wala na lang din nagawa dahil si Dad na mismo ang nagsabi. Sinamaan lang niya kami ng tingin at walang salitang bumalik sa kwarto niya. Nagtaka ako nang makita na may dala-dala siyang unan at kumot sa isang kamay samantalang malaking tela na makapal sa kabila.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now