𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟾

1.9K 102 2
                                    

CJ's POV:

"Halika dali balik tayo dun." Asar ni Kyle at akmang hihilahin ako ng iangat ko ang kamao ko.

"Sige huwag ka talagang tumigil." Sabi ko. Tumawa si Ate Cami dahil kanina pa ako inaasar ni Kyle.

Andito ako ay mali. Kami pala sa café na pinagta-trabahuan ko. Feeling ko pumunta lang 'tong mga 'to dahil akala nila manlilibre ako.

"Bakit ako lang ng ako inaasar niyo. Ayan sila Clover ko asarin niyo din." Sabi ko at nag-brew ng kape.

"Totoo pala? Akala ko joke lang." Sabi ni Ate Cami.

"Ate, pagod ako kagabi, pero sigurado ako dun sa nakita ko. Kitang-kita ko kung paano tumagos lang yung kamao ko dun sa mukha nung white lady." Sabi ko. Nangilabot ako bigla. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi huhu. Tumunog yung bell. Indikasyon na may bagong costumer.

"Good morning, Sir! Welcome to Cat Café! May I take your order?" nakangiting bati ko. Parang natatandaan ko siya...

Siya yung lalaking nagpunta dito last time! Yung naka hoodie!

"The usual." Sabi niya at ngumiti.

"Okay Sir! Please choose you seat while waiting for your order." I said. Tumango ito at tumalikod.

"Suki niyo yon?" Tanong ni Kyle. Tumango lang ako.

"Hala beh wala tayong chocolate chip." Sabi ni Ate Cams.

"Ah sige sige sabihin ko nalang." Sabi ko at kinuha yung tray na may lamang order.

"Sir, wala pa pong chocolate chip. May gusto po ba kayong ipalit?" Tanong ko. Umiling lang siya kaya tumalikod na ako.

"Wait!" Sabi niya at hinawakan yung braso ko. Kita ko ang pagiging alerto ng mga kumag.

"Bakit Sir?" Tanong ko. Tumingin muna siya sa mga kaklase kong nasa kabilang table bago ibinalik ang tingin saakin.

"Can I talk to you? Kahit saglit lang? Please?" Tanong niya.

"Bakit po?" tanong ko. Lumapit siya na lalong ikina-alerto ng mga kaklase ko.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya.

Ayan nanaman tayo sa tanong na yan. Koyah hindi nga ihh.

"Nako Sir sabi ko naman sainyo baka mali po kayo ng hinahanap. Hindi ko po kayo kilala eh." Nakangiti paring sagot ko.

"Je t'aime." Bulong niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kilig o ano, kundi sa...kaba? Teka bakit ako kinakabahan? Parang may umuusbong na takot mula sa puso ko.

"J-je t-aime? I—I don't understand." Naguguluhang sabi ko. Ngumiti siya ng matamis at hinawakan ang kamay ko.

"I'll do everything to make you remember me again, my love." He said. I immediately withdrew my hand from him and stepped back.

"No. I don't know you, Sir. You must be mistaken. I swear I really don't." Sabi ko. "Sir I need you to leave, please." Sabi ko pa. Napatigil ako sa pag atras nang may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko.

"The lady wants you to leave, Mister." Malamig na sabi ni Ice. Napalingon ako sakaniya bago ibinalik ang tingin dun sa lalaki. Nakita ko ang pagsara ng kamao niya at ang pag igting ng panga niya. Pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya yung frappe niy at umalis. Napasuklay ako sa buhok ko at tumingala. Pilit kong inaalala kung saan ko anrinig ang salitang iyon. Para asking pamilyar. Para bang may nagsabi na saakin nun noon.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now