Chapter 87

433 15 4
                                    

CJ's POV:

"Masakit pa rin ba ang katawan mo?" Natigil ako sa pagsubo ng kanin nang biglang magsalita si kuya DZ. Simula ng pagtatalo namin noong isang gabi ay ngayon lamang niya ako kinausap.

"Sakto lang po. " Walang ganang sagot ko at binilasan ang pagkain.

Nalaman niya na dito natulog ang mga kumag pero hindi siya nag react. Which is good dahil sa ngayon ay wala akong gustong kausapin na kahit sino sakanila. Mabuti nalang at pare-pareho kaming marunong makiramdam kaya wala ni isa sakanila ang nagtanong kung bakit sila andito bukod kay Dad at kuya BZ an nakahuli saamin.

Napagdesisyunan ng section 5 na dito uli matulog kahapon, at ngayon palang sila uuwi. Ayaw pa sana nila kaso linggo ngayon, at may pasok kami bukas. Isa pa, mayroon din akong kailangang asikasuhin na hindi ko alam paano dahil grounded nga ako.

"How about your back?" Kumuyom ang mga kamao ko at pilit pinapakalma ang puso ko. Bumilis ang tibok nito at bumalik ang tila may humahalukay sa loob ng sikmura ko nang magflash sa utak ko ang itsura na nakita ko kagabi. I looked up and saw that everyone was staring at me, obviously waiting for my answer. I swallowed hard, and released a shaky breath.

"M-May hapdi pa rin. Pero sumusumpong nalang." Mahinang saad ko. Nakita ko ang maliit na pagtango ni kuya at hindi na nagsalita pa. Parang nawalan ako bigla ng gana dahil hindi nanaman maalis sa utak ko ang imahe na iyon.

Sayang yung bacon!

Anak ng tinapa naman tong mga bulate na to nasusuka na nga ako puro pagkain pa nasa isip!

Masamang magsayang pagkain ante!

Edi wow mga bosit na bulate.

"Aakyat na po ako." Saad ko at tumayo. May sasabihin pa sana sila pero tuloy tuloy lang akong lumabas sa dining area. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagtungo sa veranda. Binuksan ko ang sliding door at lumabas doon upang lumanghap ng sariwang hangin. Na not so sariwa because of the pollution around me.

"A penny for your thought?" I chuckled and shook my head. I heard him sigh and went beside me, leaning over the railings.

"It wasn't a tattoo." I closed my eyes and whispered. The image flashed in my mind once again and I can't help but gagged.

"What do you mean? But it looks like it is a tattoo, just without the ink or color." I opened my eyes and looked at Clover. Confusion was written all over his face.

"It's carved, Clover." Nanghihinang bulong ko. His eyes widened, processing what I just said. Makailang beses akong lumunok habang nakatitig sakaniya. Tinangka niyang magsalita pero walang ni isang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig.

"H-how?" It was the only word that came out of his mouth after a few seconds of trying to form a sentence. I shrugged my shoulders and stared at the view in front of me, which is the tree.

"It's carved deep, hanggang laman. And I hate that I don't remember how I got this, whatever this means." I let out a shaky breath.

"Anong...anong itsura?" Nag-aalangan niyang tanong.

"M-may numbers, 1 and 2. Nasa loob iyon ng bilog at parang mukhang symbol na hindi maipaliwanag, ang tanging malinaw lang ay yung twelve." Paliwanag ko. Sinusubukan niyang i-imagine iyon, base sa pananahimik at pagtitig niya sa kawalan. "I don't know how but I can feel the sense of familiarity when I saw that, like I've seen it before. I just don't know where and when."

"Alam ba niya?" Tanong niya. Tumango ako at magsasalita sana nang sundan niya ang tanong niya. "Si Ice. Alam ba ni Ice?"

Umiling ako bago bumaling sakaniya. Pinagkunutan ko siya ng noo, nagtataka kung bakit niya iyon naitanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now