𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟼𝟻

1.7K 88 14
                                    

CJ's POV:

"Magtago na kayo! Bilisan niyo!" Utos ko. Mabilis silang nagsunuran. Pinaputukan ko sa paa yung lalaking akmang pipigil sakanila.

Sinipa ko naman sa tiyan yung lalaking akmang susuntukin ako. Paikot kong sinipa yung dalawang sunod na sumugod. Sunod-sunod na suntok naman ang binigay ko sa lalaking nasa likuran ko bago sinipa sa mukha.

Halos lahat ay napabagsak ko na. Kabisadong-kabisado ko na ang mga galaw nila. Bakit? Dahil ako ang nagt-train sakanila noon.

Humarap ako sa panghuling lalaki na nakatayo. Malaki ang pangangatawan niya at mas malaki saakin. Bago pa man niya ako masugod ay inunahan ko na siya. Mabilis ko siyang sinipa sa sikmura at tsaka sinuntok. Pero halos manlambot ako nang makitang hindi siya tinablan noon.

"Oh sh*t." Bulong ko. Bigla niya akong binuhat at pabatong binalibag. Mabuti nalang at hindi yung ribs ko ang bumagsak, dahil kung hindi, di lang baling ribs ang matatanggap ko, kundi kamatayan na mismo. Mabilis akong gumulong papunta sa gilid nang makitang balak niya akong tadyakan. Patalon akong tumayo. Lumusot ako sa ilalim niya at mabilis na sumakay sa likuran niya. Sinundot ko yung ugat sa may leeg niya.

Oh diba bagsak agad?

Hingal na umalis ako mula sa likuran nang lalaki. Nakaramdam ako ng paggalaw sa likuran ko kaya naiwasan ko ito agad. Hinawakan ko ang kamay ni Tres na may hawak na balisong at pinilipit iyon. Sinipa ko siya sa mukha na ikina-tilapon niya. Nakita ko ang pagbunot niya ng baril at pagtutok niyon kay Ice na siyang malapit sakaniya.

My reflexes acted fast. Mabilis kong binunot ang dagger na nakasuksok sa bewang ko at binato iyon sa kamay niya. Bumaon iyon sa pader na nasa likuran niya, kasama ang kamay niya. Basta kayo nalang mag-imagine dahil baka hindi na kayo makatulog kapag in-explain ko pa.

Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakabaon ng dagger ngunit siya lang rin ang masasaktan dahil nakabaon din iyon sa kamay niya. Naglakad ako palapit sakaniya at lumuhod gamit ang isang tuhod.

"You shouldn't have betrayed me, Tres." I whispered.

"W-what are you—" Natigil siya sa pagsasalita nag tanggalin ko ang mask ko. Halata ang gulat sa mga mata niya. Halatang hindi talaga niya inaasahan. Is he really that stupid?

"Surprised? It's me, Tres. Your Jade, your Ace. Too bad you betrayed me. But not that bad because what you did opened my eyes let me see the truth." I said and smirked. I wore my mask again and stood up. I looked at the guys, who's looking at me. I looked at them coldly, so that they won't recognize me.

"Shouldn't you kids be at school?" I asked them. Waw selp hello naman sayo ano?

"We—" Pinutol ko agad si Clover.

"Bumalik na kayo. And tell CJ, please don't disturb me ever again." Seryosong saad ko. Dinampot ko yng wig ko at hinugot ang dagger na nakabaon sa kamay ni Tres. Napahiyaw siya sa sakit. Tiniis ko iyon at hindi nagpakita ng emosyon.

Umatras ako at tumakbo papunta sa pader. Mabilis akong tumalon dito at patalong lumambitin sa bars na nakasabit sa kisame. I swung my self and stood on it. Binuksan ko yung maliit na bintana doon. Kasya naman ang tao so no worries. Doon ako lumabas at patakbong umalis.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko. Hinubad ko ang hoodie na suot ko at mask. Pagkatapos ay kumuha ako ng tissue para punasan ang dugo na nasa dagger ko. Sinuot ko rin agad yung wig ko.

Mabilis ang lahat ng galaw ko, pati ang takbo ng kotse ko para bumaliks a dating pwesto kung saan ko sila ibinaba. Nakita ko rin ang pagdating ng mga pulis. I composed myself and got out of the car. Mabilis akong pumasok sa café at sinalubong sila. Kasunod ko ring pumasok ang mga pulis.

The Only Girl Of Section 5Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz