𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟼

1.9K 90 22
                                    

CJ's POV:

"Ano?!" Napatakip ako ng tenga ng sabay-sabay silang sumigaw.

"Ang sakit niyo sa ears jusmiyo kinakawawa niyo ang eardrums ko." Reklamo ko.

"Akala ko ba broke ka?" Tanong ni Marc. Nagkamot lang ako ng ulo.

"Eh basta may kuryente na tayo. Yun na yun." Sabi ko.

"You shouldn't decide on your own, CJ. Pwede naman tayong mag-ambagan eh." Sabi ni Clover.

"Edi sa susunod na bayarin mag-ambagan." Sabi ko. Tumango siya na ikinareklamo ng mga kumag.

"I'm broke mga pre."
"I'm invisible. You can't see me."
"Ambagan well. Sorry ah. Eto lang ako. Gwapo lang ambag."

Sinamaan ko ng tingin yung huling nagsalita. Ang kapal ah!

"Tara baba tayo dali try natin yung mga booths." Yaya ko sakanila. May mga tumango at nauna pang lumabas saakin, may iba naman na mamaya na daw ie-enjoy muna yung aircon.

"San tayo?" Tanong ni Renz. Napaigtad ako dahil bigla nalang siyang nagsalita sa gilid ko.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot? Kabute ka ba?' tanong ko.

"Ang cute ko namang kabute." Mahangin na sabi niya na ikinangiwi ko.

"Huwag kang feeling Renz. Alam naman ng lahat na ako ang pinaka cute sa ating lahat." Sabi ni Kyle. At ayan nanaman nagsimula nanaman silang magtalo.

"Dun tayo!" Sigaw ko at hinila silang dalawa papunta dun sa booth na may nakita akong Pikachu stuff toy.

"Kuya! Magkano po ito?" Tanong ko at tinuro yung pikachu.

"Nako bebe pang prize 'yan. Kailangan mong ma-hit yung bullseye para makuha 'yan." Sabi nung kasama ni kuya. Sa tingin ko mga third year highschool sila.

"Laro tayo!" Nakangiting sabi ko kela Kyle.

"Uy sila Dev at Jane! Punta ako dun Ate ah." Biglang sabi ni Renz at tumakbo palapit kela Dev. Nakita ko ang pagsama ng timpla ng mukha ni Dev habang si Jane naman ay tuwang-tuwa.

"Tayo nalang." Sabi ko kay Kyle. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"Sige ba. Kiss mo muna ako." Sabi niya at ngumuso pa.

"Eh kung paduguin ko yang nguso mo?" Banta ko at itinaas ang kamao ko. Tumawa naman yung dalawang nagpapalaro. Pati si Kyle ay tumatawa na din. Biglang nag-ring yung phone niya. Mabilis niya itong sinagot at nagpaalam saakin.

"CJ, uuwi muna ako ah. Kailangan daw ako sa bahay. Mabilis lang babalik din ako." Sabi niya. Tumango alng ako kaya umalis na siya.

"Ako nalang maglalaro Ate. Iniwan ako nung mga kumag eh." Sabi ko. Natawa naman si Ateng nagpapalaro.

"Nako. Ganyan talaga ang mga lalaki. May mga loyal na pipiliing manatili sa tabi mo, at may mga manloloko na hindi marunong makuntento sa isa." Sabi ni Ate at pasimpleng tumingin dun kay kuya na kasama niya.

Ay, may LQ ata.

Tatlong dart ang ibinigay saakin tapos 20 pesos isa. Parang lugi ata ako dun, pero wapakels. Para kay pikachu!

Unang tira, sablay. Pangalawa, sablay pa rin. Huminga ako ng malalim bago ibinato ang huling dart na hawak ko.

"Aww. Better luck next time nalang bebe. Eto ang price mo." Sabi ni Ate at binigay saakin yung keychain na pikachu.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now